Chapter 50

1.4K 54 10
                                    

"Leigh, tapos ko nang paliguan si Noah. Bumangon ka na, ikaw naman papaliguan ko," paggising ko kay Leigh.

Gumalaw lamang ito nang kaunti para magtalukbong pa ng kumot at higpitan ang pagkakayakap sa unan ko.

I placed my hands at my waist at malalim na bumuntong hininga. "Leigh, papasok pa ako. Gumising ka na, papaliguan pa kita."

Ilang segundo makalipas ay dumilat nga ito. Matamis na ngiti ang agad na gumihit sa labi niya pagkakita sa akin.

"Hmm, good morning, my love," nakangiting pagbati nito. Namumungay pa ang kaniyang mga mata, marahil inaantok pa talaga.

Kinuha nito ang buong kaliwanag braso ko at niyakap nang mahigpit.

"Good morning too. I love you." I gently kissed her forehead. "Tumayo ka na."

Bumalik ito sa pagkakapikit.

"Leigh," pagtawag ko rito, mukhang may balak pa itong matulog uli.

"Hmm?" she groaned.

Hinaplos ko ang malambot nitong buhok. "Papaliguan na kita."

"Sabay po tayong maligo," nakapikit nitong tugon.

"Okay, let's go."

Hindi na naman ito nagpasaway pa sa akin at sumunod sa pagpasok ng banyo.

Kahit na pumayag akong sabay kaming maliligo ay inuna ko pa rin si Leigh. Nasa bathub siya ngayon habang sinasabunan ko ang kaniyang katawan at ini-scrub ang likod. Wala kaming pag-uusap, tahimik lamang niya akong hinahayaan habang pinapaliguan siya.

"Kada umaga araw-araw ako na ang magpapaligo sayo pagkatapos kong asikasuhin si Noah." Basag ko sa katahimikan. "Gigising na lang ako nang maaga para maghanda ng breakfast. May niluto na rin pala ako para sa lunch mo later, naka-tupperware na iyon at nilagay ko sa fridge, i-microwave mo na lang mamaya."

"My love," pagtawag nito ngunit di ko siya pinansin.

"Kung ayaw mong sumunod kay Heloise sa pagpapainom niya sayo ng vitamins at gamot, ikaw na lang sana ang magkusa, Leigh. Mamaya sasabihin ko sayo ang mga vitamins at gamot na kailangan mong inumin nang 9am, lunchtime at mamayang hapon, okay? Pipilitin ko na lang palang umuwi nang maaga mamaya para magluto ng dinner," pagpapatuloy ko.

"Arkesha-" I cut her off.

"Hindi na lang pala ako kukuha ng ibang nurse. Sayang lang kung aawayin mo rin naman lahat nang mag-aalaga sayo."

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa amin nang hindi agad umimik si Leigh sa mga sinabi ko. Nang silipin ko ito ay nakayuko lamang ito at tulalang nakatingin sa tubig ng bathub kung nasaan siya.

"Galit ka po ba?" maya-maya'y mahinang tanong nito.

Bumuntong-hininga ako at pilit pinakalma ang boses. "I'm not."

Agad nitong inabot ang mga braso ko upang kaniyang yakapin nang mahigpit. "I'm sorry po."

Bahagya akong napangiti at marahang hinaplos ang likod nito. "Pipilitin kong maalagaan ka nang maayos at isisingit ang trabaho."

Mahabang katahimikan muli ang namayani sa amin nang hindi na tumugon pa si Leigh, maya-maya pa ay nakaramdam ako nang kakaiba.

"Hey, hush, my love. Why are you crying?" taranta kong tanong nang makarinig ako nang mahinang paghikbi mula sa kaniya.

Ikinalas ko siya sa pagkakayakap sa buong braso ko upang mahawakan ang kaniyang mukha at maiharap sa akin. Agad naman akong nakaramdam nang pagkahabag dahil ayaw nang magpaawat ng kaniyang mga luha sa pagtulo ngayon.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon