Ngayong araw ay day-off ko sa work. Saktong-sakto dahil nagpakita ang anak ko kagabi ng mga matataas na grade nito at bilang reward ay ipapasyal siya namin ngayon ni Lyle. Sa mall lang naman para makapamali na rin kami ng bagong damit ni Noah, nag-request pa ito ng laruan.
Ang kaso si Lyle ay hahabol na lang daw dahil may importanteng report siya sa pinagtra-trabahuan ngayong umaga, kaya mauuna na daw kami ni Noah sa mall. Kahit na malayo ang loob nito sa akin ay ikinakatuwa ko pa rin na naglalaan siya ng oras sa anak namin pag may pagkakataon.
Madali akong nag-ayos ngayon at basta na lang ipinasok sa bag ang mga gamit. Nakabihis at naka-ayos na kasi si Noah sa labas kaya pinagmamadali na niya ako.
Gamit-gamit namin ngayon ang sasakyan na binigay ni President Leigh n'ong nakaraan. Tuwang-tuwa nga ang anak ko n'ong gabing iyon na may inuwi akong sasakyan.
Sa sobrang hindi mapigil ni Noah ang galak ay sinasabayan nito ngayon ang kanta sa stereo. Na siyang ikinatuwa ko naman habang pinapanuod ito mula sa rearview mirror. Feel na feel nito ang pag-birit niya at may papikit-pikit pang nalalaman.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang cute talaga ng anak ko at alam kong mas gwapo ito paglaki. Marahil sa mga nakuha nitong ilang features mula kay Lyle.
Hindi man kami kasal basta nandyan si Noah, basta alam kong mahal ko ang pamilya ko, kahit na madalas ginugulo ni President Leigh ang katinuan ko, alam kong pamilya ko pa rin ang pipiliin ko sa huli.
Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa mall. Di ko pa naipa-park nang maayos ang kotse ay halos gusto nang bumaba na si Noah.
"Saan mo gustong pumunta ngayon?" tanong ko rito.
"Gusto ko po sa Jollibee tapos sa palaruan tapos bili tayo ng toys ko po ah tapos nuod tayo ng sine," Noah excitedly exclaimed.
Di ko napigilang kurutin ang ilong nito. "Oh yes, we will do all of that, little one." I playfully winked at him.
Pagkapasok namin ng mall ay napagpasyahan naming manuod muna ng sine. Toy Story 4 ang tinuturo ni Noah na gusto niyang panuorin namin, ngunit hindi namin natapos ang palabas dahil nasa kalagitnaan na kami nang kalabitin ako nito at nagugutom na raw siya. Dahil araw niya ngayon kaya siya ang nasunod.
Siya ang may hila-hila sa akin papunta sa all-time favorite nitong Jollibee. At tuwang-tuwa siya nung may mascot ni Jollibee na bumabati sa mga customers sa may entrance. Agad ditong lumapit ang anak ko at saglit na nakipaglaro. Hindi ko pinalagpas ang sandali na iyon at vinideohan ko si Noah na nakikipag-kompetensya ng sayaw kay Jollibee.
Matapos namin mag-order ay pumwesto kami sa isang table na nakapwesto sa sulok. Hindi gan'on karami ang mga naka-dine in na customers.
"Ano pala yung pinag-uusapan niyo kagabi ni papa mo doon sa kwarto?" usisa ko nang maalala. Para kasing seryosong-seryoso silang nag-uusap nun.
Agad na umiling ang anak ko. "Wala po iyon, mama."
I placed my hands on my waist at pina-seryoso ang mukha. "Anong wala? Aba naglilihim ka na yata sa akin ah."
"Boys talk lang po," he said and giggled playfully.
"Anong boys talk? Walang boys talk-boys talk sa akin. Ano yun?" Kunwaring pagtataray ko.
Ngunit ngumisi lamang ang anak ko at umiling-iling. Lumapit ako rito at kiniliti ang tagiliran upang mapaamin, hindi naman niyo mapigilan ang pagtawa.
"Hahahah mama pft t-tama na hahahah po m-mama!!" tili ng anak ko.
"Sabihin mo muna kung ano iyon?" tugon ko habang patuloy na kinikiliti ito.
"W-Wala lang po iyon.." Muli itong tumawa nang malakas. "T-tungkol lang po iyon pft- kay Ishin."
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...