"Tell us something about yourself?"
Lyle squared his back and with confidence in his voice he spoke. "Well, I have lots of working experience 'cause I am finding the right company for me. And I believe Faulkerson Corporation would be my last, as I finally found who I am looking for here."
Narito ngayon si Lyle sa harapan namin. Nag-resign siya kahapon sa dati niyang work dahil mas gusto daw niyang magtrabaho rito.
Nag-away lang kami kagabi dahil sa biglaan nitong desisyon. Pilit ko siyang tinatanong ngunit wala akong nakuhang matinong sagot.
Kaya't nandito ito ngayon sa harapan namin ni President Leigh at nag-aapply. Hindi na siya dumaan pa sa HR at ako na ang inatasan na mag-interview dito.
"Who is it?" hindi ko na napigilang itanong.
"Just someone," he casually replied.
Kumunot ang noo ko sa naging saad nito.
"Why did you resign from your last work?" I asked instead.
"To be part of this company." Iyan ang paulit-ulit niya ring sinasagot sa akin kagabi.
I'm standing beside President Leigh who is silently sitting at her swivel chair. Sinulyapan ko ito upang malaman kung sineseryoso ba niya ang mga sinasabi nang di namin inaasahang aplikante. Ngunit mula kanina ay nakatingin lamang ito nang direkta dito.
Muli na lamang akong bumaling kay Lyle. "What can you contribute in the corporation?"
"My life.." he adamantly replied and eyed President Leigh thoroughly, "I am willing to dedicate my whole life for the president of this company."
"If hired, when do you want to start?" tanong ko at binalewala na lamang ang sinabi nito.
"I can start as much as possible today."
Kung hindi ko kilala si Lyle at kung sa akin lang manggagaling ang desisyon ay hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin ito. Matalino namang tao si Lyle. Marami siyang alam gawin at madiskarte, medyo naging mainitin na nga lang ang ulo niya ngayon.
Kahit na classmate pa sila noon at naging close sa isa't-isa, hindi ako sigurado kung tatanggapin ba ni President Leigh ang mga naging sagot nito.
Seconds of silence broke when the president finally spoke. "You're hired."
Nabigla at hindi makapaniwalang napatingin ako kay President Leigh dahil doon.
Lyle sweetly smiled in response. "Thank you."
"Secretary Arkesha," pagtawag sa akin ng katabi kong presidente.
"Yes, Miss President?" magalang kong tugon.
"Please accompany Mr. Lyle to Ms. Boa. Tell her to train him as the new program planning and organization supervisor," utos nito.
Matapos niyon ay tahimik kong hinatid si Lyle kay Ms. Boa at gaya ng instructions ni President Leigh ay sa kaniya ko ibinilin ito.
Pagbalik ko sa loob ng opisina ay dalawang pares ng mata ni President Leigh na prente pa ring nakaupo sa swivel chair niya ang sumalubong sa akin.
"Come here," she called out.
Walang pagtatanong akong agad na lumapit sa kaniya, naghihintay sa magiging utos nito.
"Closer," dagdag nito kaya humakbang pa uli ako, "Sit on my lap."
"H-ho?"
Para akong nabingi sa huli nitong sinabi. Nanlalaki ngayon ang mata kong pinoproseso sa utak ang utos nito.
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomansaPamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...