Chapter 44

971 37 3
                                    

Arkesha's POVs:

"Hi, baby. How are you? What are you doing?"

[I'm doing good po, mama. Ate Heloise is taking care of me good enough.] tugon ng anak ko. Parang nakikita ko na sa aking isip ang paglabas ng kaniyang dalawang cute na dimple sa magkabilang pisngi nito sa tuwing ito'y ngumingiti.

"Basta behave ka diyan Noah, okay? Habang wala ako ay sundin mo sila Ate Heloise mo," habilin ko.

[Yes po, mama. I'm not pasaway po.]

"Good boy, Noah," puri ko rito.

Ilang segudong namayani ang katahimikan nang wala nang tinugon si Noah. Sinilip ko naman ang phone ko kung namatay ba ang tawag.

[Kailan po kayo babalik, mama?]

Saglit akong natigilan sa tanong ng anak ko.

"I'm taking care of your Tita Ganda kasi, Noah, anak. I don't know kung kailan ako babalik basta always remember that mama loves you so much Noah, okay?" ani ko na lang.

[Okay.] May himig nang pagtatampo sa tinig nito.

Ngumiti na lang ako kahit hindi ako nito nakikita. "I love you, baby," I sincerely whisper.

[I love you too, mama. Uuhhmmwwuaahh]

Napatawa na lang ako sa haba ng halik ng anak ko.

"Oh sige na, kailangan ko nang balikan si Tita Ganda mo sa loob," paalam ko rito.

[Okay po, mama. Bye bye po.] magiliw na paalam sa akin ng anak ko.

Napa-buntong hininga na lang ako pagkababa ko ng tawag. Pagpihit ko paharap ay halos mapatalon ako dahil sa pagkagulat nang bumungad sa harapan ko si Lyle.

"Is that Noah? Asan siya ngayon?" nag-aalang tanong nito.

"He's fine," sagot ko malayo sa tanong nito.

"Arkesha--"

"What are you doing here?" tanong ko na lang.

Mula sa akin ay bumaba ang tingin niya sa hawak na bouquet of tulips.

"I'm visiting Leigh," sagot niya.

"She's resting," ani ko.

"I brought flowers for her."

"Akin na, ako na ang magbibigay sa kaniya."

"I want to see her also."

"Natutulog siya," tugon ko sabay kinuha sa kamay niya ang dalang bulaklak.

Hindi ko na siya pinansin matapos nun at nagtuloy papasok sa loob ng kwarto ni President Leigh.

Naabutan ko itong nanunuod ng The Loud House cartoon sa TV. Pansin ko na paborito niya ang palabas na iyon kahit na masyado na siyang matanda para doon.

"Kanino galing iyan?" salubong na tanong sa akin ni President Leigh.

"Sa asawa ko, para daw sayo," matabang kong sagot. Lihim akong napaikot ng mata.

Tahimik ko na lamang pinalitan ang bulaklak sa vase na narito.

"You're jealous." That was not a question, it was a statement.

"I'm not."

"Arkesha," pagtawag nito sa akin ngunit pinili kong hindi siya pansinin.

Nang matapos ako sa ginagawa ay wala na sa tv ang atensyon niya kundi nasa akin habang siya'y nakangiti.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon