Chapter 62

596 20 0
                                    

"Sigurado kayong nandiyan si Eva?" tanong ni Heloise. Binigay nito kay Leigh ang binocular na ginamit.

"We'll know if we'll get inside," ani ko.

Nasa isa kaming bangin na may kalayuan sa mansyon ngunit tanaw mula rito. Nagpaplano kami kung papaano papasukin ang mansyon ni Ichi-san.

"They we're armed with katana and guns," komento ni Leigh habang siya naman ang sumisilip sa kabuuan ng mansyon gamit ng binocular.

"Hindi sila ganiyan karami nung huli nating punta, hindi rin sila armado," dagdag ko.

"Kung gan'on ay nasa loob nga niyan si Eva. Alam nilang pupunta tayo," wika ni Heloise.

"How we will get inside?" tanong sa amin ni Leigh nang bitawan na rin niya ang binocular.

"Shouldn't we call a police?" suhestyon ko.

"That would be a stupid act," kontra sa akin ni Heloise.

"Paano tayo papasok? Wala tayong anumang armas--"

"Ya, anata wa dare desu ka." [Who are you?]

Nabigla kaming tatlo sa pagsulpot ng isang hapones na naka-yukata mula sa likuran, malaking bulas ito at matangkad sa amin. May nakasukbit na katana sa kaniyang bewang, katulad ng katana na naka-sukbit din sa bewang ng mga bantay sa mansyon.

Sa isang kisap mata ay natulala ako kung paano naging mabilis ang reflexes ni Leigh at napabagsak niya ang hapones sa pamamagitan ng pagsipa sa ulo nito. Walang malay na bumagsak sa lupa ang lalaki.

Mabilis na kinuha ni Leigh ang katana na nakasukbit sa bewang nito. "Meron na ngayon," Leigh smirkingly said. Inabot nito kay Heloise ang kinuhang katana sa hapones.

Nakangising inabot ni Heloise ang katana'ng binibigay ni Leigh. Hindi ko malaman kung paano gigisingin ang sarili ko mula sa pagkatulala.

"We'll enter at the kitchen back door," pinal na saad ni Leigh.

****

"May dalawang bantay," komento ko nang silipin ko ang paligid. Nakalapit na kami sa likurang bahagi patungo sa kusina ng mansyon at nakatago sa mataas na halaman tanaw ang dalawang bantay.

Walang pinagbago ang lugar mula n'ong huli naming punta rito ngunit mararamdaman mo ang tensyon dahil sa mga bantay na nakakalat.

Hinugot ni Heloise ang katana sa lalagyan. "I can handle this." Hindi ko malaman kung mamangha ba ako o aakyatan ng kilabot nang hagurin ko ng tingin ang katana na sobrang talas.

"I'll go with you." Napatingin ako kay Leigh sa ginawa nitong pag-boluntaryo.

"Wala kang armas." Madiing hinawakan ko ito sa braso upang pigilan.

"Don't worry, my love. I'm a Rollsferd." Hindi ko nagawang makapag-react nang maayos nang nakawan ako nito ng halik sa labi.

Walang sali-salita nilang iniwan ako, kabado naman ako habang pinapanuod sila kung paano marahan at walang ingay na lumapit sa dalawang bantay. Natulala ako nang tig-isang sinunggaban ng dalawa ang mga bantay. Walang pag-aalangan na hinagod ni Heloise ang hawak niyang katana sa lalamunan ng bantay samantalang si Leigh ay binalian ng leeg ang isa pa dahilan upang mawalan ito ng malay.

Kung hindi pa nila ako tinawag ay hindi ako makakagalaw sa kinalulugaran ko. Hindi ko inaasahan na bihisang-bihisa sila sa larangang iyon.

Pagkalapit ko sa kanila ay kinuha nila ang mga mga katana rin na nakasukbit sa bewang ng dalawang bantay. Tinignan ko lang ang katana ng abutin iyon sa akin ni Heloise.

"I don't know how to use that," tulalang ani ko.

"Of course, you do," tugon ni Heloise at kinuha ang kamay ko upang ibigay ang katana'ng inaabot nito.

"You're a Larqueza," dagdag pa ni Leigh.

Hindi ko napigilan ang pagkunot ng aking noo dahil sa pagkalito. "Anong kinalaman nun sa paghawak ng armas?"

"You are born to fight," nakangiting sagot ni Heloise sa akin.

Hindi ko malaman kung anong iisipin. Nawe-weird-uhan ako sa totoo lang. Gan'on pa man ay tinanggap ko ang katana. Halos bumagsak ang kamay ko, hindi inaasahan na may kabigatan pala ito. Paano makakalaban nANg maayos kung ganito?

"Tara na, baka may iba pang dumating at makapansin sa atin," pag-aaya ni Leigh.

"Paano sila?" tukoy ko sa dalawang bantay na napabagsak nila, "Baka may makakita sa kanila at malamang may pumasok sa mansyon."

"Then, that would be the exciting part."

Kumunot ang noo ko dahil sa kilabot na hatid ng ginawang pagngisi ni Heloise.

Hindi na ako naka-imik nang magsimula na silang tahimik na pumasok sa loob. Pinapangunahan kami ni Leigh dahil siya ang mas nakaka-alam ng lugar. Paminsan-minsan ay lumilingon-lingon ako sa aming likuran upang tignan kung meron bang ibang tao.

Pagdating sa kusina ay hindi muna kami pumasok agad. Sumilip kami kung saan may isang binatang nakatalikod sa amin na abalang nagluluto. Taga-luto lang yata talaga ito dahil walang nakasukbit na katana sa kaniyang bewang.

"Let me handle him." Napatingin kami kay Heloise nang hugutin muli nito ang katana sa pinaglalagyan.

Agad ko itong pinigilan. "Saglit, hindi siya bantay. Wag natin siyang saktan."

"Nakaharang siya sa daan natin," seryosong wika ni Heloise, "Baka siya pa ang maging dahilan kapag nahuli tayo."

"Ako na ang bahala sa kaniya," pagbo-boluntaryo ni Leigh.

"Anong gagawin mo?" usisa ko.

Leigh didn't respond. She tiptoed as she enter. Naiwan kaming dalawa ni Heloise na sinisilip ang gagawin niya. Hindi ko mapigilan ang mapalunok nang wala sa oras dahil sa sobrang kaba, isang maling sigaw o ingay ng lalaki ay malalaman na agad na pumapasok kami ng mansyon.

Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinapanuod si Leigh. Wala akong ideya sa kung anumang gagawin niya. Maingat ang bawat kilos nito habang palapit sa lalaki na hindi pa rin napapansin ang presensya niya.

Lahat kami ay nabigla nang may pumasok. Agad kaming napatago ni Heloise ngunit patuloy pa rin na nakasilip. I bit my lips as I recognize him.

"Secretary Heki," mahinang bulong ko sa aking sarili

Maging siya ay nabigla nang makita si Leigh. Na-estatwa lamang si Leigh sa kaniyang kinatatayuan. Dahil sa distansya ay hindi ko rinig anumang pinag-uusapan nila. Nang silipin ko si Heloise sa aking tabi ay mataman din siyang nanunuod sa kung anumang nangyayari sa loob.

Nang ibalik ko ang aking atensyon sa loob ay napakuyom ang kamao ko nang may pumasok pang ibang bantay sa loob.

Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Heloise sa braso ko, nang lingunin ko siya ay iling lang ang itinugon nito sa akin. Doon ko lang namalayan na halos balakin ko na palang pumasok din sa loob upang iligtas si Leigh.

Hindi ko maipaliwanag ang tinging ipinukol sa akin ni Leigh bago siya dinala sa kung saan palabas, and I hate myself for just hiding here cowardly.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon