Chapter 35

1.1K 43 1
                                    

"My love, wake up na.." mahinang paggising ni Leigh sa katabi gamit ng malambing na tinig.

"Hmm?" Arkesha groaned in response.

"Let's date today."

Sunod na naramdaman ni Arkesha ang mahinang pagtapik nito sa kaniyang pisngi, dahil doon ay hinigpitan nito ang pagkakayakap dito.

"I'm still sleepy.." nakapikit niyang tugon.

"Pero gusto ko gumala tayo ngayon."

Arkesha opened her one eye and saw how cute Leigh is when pouting. Muli na lamang pumikit si Arkesha at di ito pinansin.

"Ayaw mong gumising ah. Pwes hahalikan kita hanggang sa mawalan ka ng hininga at mapwersa kang bumangon."

Di pa nagsi-sink in ng maayos sa inaantok kong utak ang sinabi niya ay naramdaman ko na agad ang labi niya sa labi ko.

Mabilis niyang ginalaw ang labi niya para mapasabay ako sa ritmo niya. Gosh, ito na naman siya sa paraan niya ng paghalik. Mainit. Mapusok. At nakaka-engganyo. Pilit akong tumutugon upang makasabay sa kaniya. Bukod sa malambot niyang labi ay mas lalo akong pinapabaliw ng mga maiinit niyang haplos na gumagala sa buong katawan ko.

I moan when I feel her teeth on the tip of my ear, nibbling it while her hands are roaming directly on my expose tummy. I can say that my ear is her favorite part of my body. She always like to tease it.

Nang maramdaman kong unti-unti na akong kinakapos ng hininga dahil sa sobrang sensasyong binibigay niya sa akin ay mabilis kong pinagpalit ang pwesto namin at pumatong sa kaniya. Pinilit kong maging dominante sa aming dalawa at binalik ang kaparehong intensidad ng paghalik niya sa akin kanina.

Nang mapagod ako ay saglit akong tumigil at umupo sa tiyan niya. Malagkit ang tingin niya sa mga mata ko ngayon. Hindi rin natigil ang malambot niyang kamay na humahaplos ngayon sa hita ko. Oh God, kailangan ko siyang pigilan dahil baka ma-rape pa niya ako ke aga-aga.

"Saan mo ba gusto mag-date tayo?" tanong ko na lang.

"Ayoko nang umalis. You're right. Dito na lang tayo sa kama buong araw. I want to devour your lips real hard right now." Her husky bedroom voice really got me, pero kailangan kong pigilan ang sarili kong maakit sa kaniya masiyado ngayon.

"May alam ka bang malapit na palengke dito?" I ask out of the blue.

"Why?"

"Wala naman. Naisip ko lang na paglutuan si Ichi-san." I smile.

Nang marinig niya ang salitang 'luto' ay bigla siyang napabangon.

"I want that idea basta turuan mo ako ah," masayang sabi niya at naunang bumangon ng kama, "Tara na!" pagyayaya niya.

Napatawa ako. "Wag ka naman masiyadong magpahalatang excited. Kakagising lang natin, di pa tayo nakakaligo at nakakapag-ayos ng sarili," tugon ko.

"Let's go. Sabay na tayong maligo," ani nito.

Hindi na ako naka-angal pa nang hilahin niya ako papasok ng banyo. Walang pag-aalinlangan siyang naghubad ng buong saplot niya. Hindi ko napigilang mapatulala habang pinagmamasdan ang hubad niyang kabuuan. Ang totoo, wala akong nararamdamang pagnanasa ngayon kundi isang paghanga – paghanga dahil parang hindi ko na nakikita ang mga peklat niya sa katawan. Under her scars is her undefying beauty.

Nang magsimula na siyang maligo ay napagdesisyunan kong sumunod na rin sa kaniya. Pinaliguan naming ang isa't-isa.

Nang matapos kaming makapag-ayos ay nagtulungan kaming i-braide ang buhok ng isa't-isa. Para matchy-matchy kami. Ayaw niya noong una na itirintas ko ang buhok niya pero kalaunan ay di rin niya ako natiis at pumayag na. Gusto ko lang makita ang ibang mukha ng isang Patricia Leigh Rollsferd.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon