Chapter 11

1.1K 45 3
                                    

"Mama, papa, anong oras po kayo pupuntang school mamaya?"

Kumakain kami ngayon ng agahan nang mapatingin ako sa anak ko sa biglang pagtatanong nito. Bahagyang napa-isip ako nang iba't-ibang dahilan kung bakit. Wala naman sigurong nangyaring di maganda kay Noah sa school dahil hindi naman tumawag ang teacher niya.

"Bakit, 'nak? Anong meron?" usisa ko.

"Family day po namin ngayon sa school. Magdala daw po ng parents."

I mentally face palm. Nabanggit na nga ng anak ko n'ong nakaraan ang tungkol sa Family Day nila. Sa sobrang busy sa trabaho ay nawala sa isip ko.

"Ngayon na ba iyon?" tanong ni Lyle na sandaling hininto ang pagkain.

"Opo.." Tumango si Noah. "Mga ala-una daw po magsisimula mamaya," dagdag nito.

"Hmm, sige." Noah turned his head at me. "Subukan kong mag-early leave na lang ngayon sa work ko para maka-attend ako sa Family Day ninyo," nakangiti kong wika dito.

Bahagyang nagliwanag ang mukha nito at sunod ay bumaling naman ito kay Lyle. "Eh kayo po papa. Pupunta po ba kayo mamaya?"

Sandaling sumulyap sa akin si Lyle. Pinakatitigan ko naman ito, ang mga tingin ko ay nakikiusap na pumayag ito. Tahimik nitong inalis ang tingin sa akin upang bumaling sa aming anak.

"I don't know, I can't promise."

Noah's hopeful eyes vanished.

"But I'll try," tugon na lamang ni Lyle at tinuon na ang atensyon sa pagkain.

Ngumiti na lang ang anak ko nang tipid at nag-focus na lang din sa pagkain. Agad akong nakaramdam ng awa kaya't masuyo kong hinawakan ang ulo nito. Dahil doo'y muling umangat ang tingin nito sa akin.

I gave him an assuring smile. "Take my promise, I'll be present."

Dahil sa sinabi ko ay bumalik ang sigla sa mga mata ng anak ko.

****

Pagkarating ko sa kompanya ay isang iced coffee na nagpapawis na sa lamig ang agad na iniabot sa akin nina Mr.Brooke. Pa-thank you gift daw yun ni President Leigh because we're doing our job right. Dahil doon ay napatambay tuloy kami ng kaunti nina Mr.Alastair sa kanila upang makipagkwentuhan.

Walang pinagbago, ang dami pa rin nilang kwento. Puro mga asaran at kung ano-ano pa.

Pagpasok ko naman sa opisina ni President Leigh ay biglang nagbago ang atmosphere. Biglang tumahimik kasi ang paligid. Binati naman ako ni President Leigh pagkakita niya sa akin.

"Salamat po ng marami sa kape, Miss President," magiliw kong wika dito.

She slowly nodded as a response. "Salamat rin nang marami sa inyo." Ngumiti rin ito pabalik gan'on pa man ay kitang-kita sa mukha nito how stressed she is.

Tahimik kong nilagay ang gamit ko sa desk at pumunta sa coffee station. Alam kong pinapanuod ako ni President Leigh but I just gave her my sweetest smile. Hindi pa rin maalis ang ngiti ko habang nagti-timpla. I make sure na masarap ang kapeng ginagawa ko.

As I finished, maingat kong nilapag sa desk niya ang tasa ng kape and try to close her laptop.

"What are you doing?" she asks.

"I'm sorry but I think you need to relax for a bit, Miss President," ani ko.

She stared at me for a while. "Thank you Secretary Arkesha but I'm fine."

"Hmm, I think kailangan niyo po yata ng bakasyon, Miss President," suhestyon ko.

"Is stress visible to me?" usisa ni President Leigh.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon