Arkesha's POVs:
"Sige na, darling. Say 'ahh' na kasi, here comes the airplane," pamimilit ni Heloise.
"Ano ba, Heloise. Tigilan mo ako at kumain na lang tayo," sita sa kaniya ng kasintahan.
Napanguso si Heloise sa asal ni Ms. Boa. "Ito na nga, sinusubuan na kita."
"Para kang bata. Iyang alaga mo ang subuan mo at hindi ako," tugon ng katabi.
"Kaya na ni Noah kumain mag-isa. Right, Noah?" nakangiting tanong ni Heloise sa anak ko na katabi ko naman.
"Big boy na po ako," ngiting-ngiting sagot naman ng anak ko.
Napabuntong-hininga si Ms. Boa. "Kaya ko na rin subuan ang sarili ko para pakainin mo pa."
Mas lalong humaba ang nguso ni Heloise "But, you're always be my baby."
"May ibang nasa harapan natin," nauubusang pasensya na turan ni Ms.Boa.
"Kinakahiya mo ako?" biglang pagtatampo ni Heloise.
"No. Hindi sa gan'on," agad na anas ni Ms. Boa, "Gusto ko lang naman kumain tayo ng payapa."
"Bakit ayaw mong subuan kita? Dati naman, lakas-lakas pa nga ng kain mo sa tuwing ako mismo nagpapakain sayo. Kinakahiya mo ako sa harapan ni Arkesha?"
Binitawan na nga ni Ms. Boa ang hawak na kubyertos.
"Aish, sorry na. Sige na, subuan mo na ako. Please, darling?" panunuyo ni Ms. Boa.
Ibinuka na nga nito ang bibig sa harapan ng fiancé habang naghihintay na pakainin siya nito.
"Hmp." Heloise roll her eyes. Tuluyan na ngang nagtampo ito at hindi na pinansin si Ms.Boa. Panay naman ang paglalambing sa kaniya ng kasintahan para suyuin ang topakin na fiancè.
Ngumingiti lang ako sa harapan nilang dalawa. Hindi ko akalain na ang matapang na personalidad ni Ms.Boa ay tumitiklop dahil lang kay Heloise. Mukhang nahanap nga niya ang katapat niya.
Napatingin ako sa anak ko nang hilahin nito ang laylayan ng damit ko.
"I'm done na po, mama," ani nito.
Ngumiti ako rito. "Okay. Maghanda ka na at ihahatid na kita," tugon ko.
Tutal ay nabusog na ako sa kinain ko ay nag-paalam ako sa dalawang mag-fiance na nagsusuyuan pa rin. Mauuna na lang siguro ako papasok kay Ms.Boa. May kailangan pa siyang amuhin eh, baka ma-late na ang anak ko sa school kung hihintayin ko pa siya.
Pagdating ko sa kompanya pagkatapos ko maihatid si Noah sa school ay ikinabigla ko nang may biglang sumabog na confetti mula sa gilid ko pagkalabas ko ng elevator. Biglang nagkantahan silang lahat ng 'Happy Birthday' song habang hawak-hawak ni Mr.Alastair ang isang chocolate cake. Hindi pa nakuntento si Mr. Brooke at nagpaputok pa uli ng confetti.
"Happy Birthday, bebs! Make a wish muna before you blow your candle," bati sa akin ni Frances nang matapos ang kanta.
"H-huh? Birthday? Hindi ko naman birthday ngayon eh," kakamot-kamot sa batok kong tugon.
"Asus, wag ka nang pa-humble, bebs. Ito na oh, may pa-surprise kami sayo," hagikhik nito.
"Promise, hindi ko talaga birthday." Itinaas ko pa ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Sino ang nagpakalat ng virus na iyan na birthday ko?"
"Si Young," sagot ni Mr.Alastair.
"Naku, birthday mo nga ngayon Arkesha. Tumatanda ka na oh, nagiging makalimutin ka na at hindi mo na maalala sarili mong birthday." Nakangising umakbay sa akin ni Young.
![](https://img.wattpad.com/cover/151542164-288-k691293.jpg)
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...