Lumipas ang isang linggo mula n'ong doon ako tumuloy nung gabing iyon sa condo ni President Leigh. Mula nun hindi ko na mapigilan ang sarili kong obserbahan siya kung may pagkakataon.
Nakilala kong tahimik na tao talaga si President Leigh kaya sa pamamagitan nang pagmamasid sa kaniya ay masasabi kong nakikilala ko siya unti-unti kahit papaano. What she looks like if she is on her serious mode or just simply stressed with workloads, her reactions and changing aura depending on whom the person she was talking to.
Today is Monday again, sinadya kong maaga pumasok para maging maganda ang simula ng linggo ko. Pagdating ko sa kompanya ay may inabot agad sa akin si Frances na envelope na kung pwedeng ako na lang daw mag-abot kay President Leigh upang mapirmahan.
Pagpasok ko sa loob ng opisina ay wala pa rin si President Leigh pero tingin ko parating na rin siya anumang oras. Pagkalapag ko ng gamit ko sa desk ay muling nahagip ng mata ko ang mga picture frames sa gilid.
Marahan akong lumapit sa cabinet at muli ay isa-isang pinagmasdan ang mga ito. Pilit kong pinigilan ang sarili na wag mangielam at baka mabasag ko uli.
Hindi ko lang maiwasang maalala nung nandoon ako sa condo ni President Leigh ay nabanggit nito na wala na ang mga That's why only her childhood photos together with her parents are here. Only child rin siguro siya dahil parang wala naman akong nakikitang ibang bata o kapatid niya sa mga litrato.
Napangiti ako habang pinagmamasdan sila isa-isa.
Kitang-kita kung gaano niya kamahal na mahal ang kanyang mga magulang, pero ano kayang nangyari sa kanila? Mukhang naiwan na lang siya mag-isa lolo niya. President Leigh is a big mystery; but I realized that she's not a puzzle that needed to be solved, rather an abstract painting that is already pleasing in the eyes at any angle.
Lumipas ang kalahating oras pero wala pa ring President Leigh na pumapasok sa pintuan. Kahit na pilit kong inaabala ang sarili sa mga gawain ay hindi ko maiwasan mag-alala kung ano nang nangyari. Bihirang ma-late nang ganito si President Leigh at n'ong minsan itong na-late ay wala siya sa mood nun.
Dahil doon ay naisipan kong ipagtimpla siya ng gatas para ma-relax muna ang isip niya kung sakaling dumating na siya. Hindi ko naman mapigil ang sariling mapangiti habang inaayos ang tasa ng gatas sa desk niya at ilang nakakalat na folders sa ibabaw nito.
Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito. Agad akong umayos ng tayo at marahang yumuko bilang pagbibigay galang sa dumating na presidente, ngunit abala ito sa taong kausap sa cellphone.
"Good morning, Miss President.." pagbati ko rito.
She just smile at me in response and quickly diverted her attention to the phone call.
"Yes, Zeus....uh-huh....No, I didn't say that....Fine, I'll go to your place later...Ciao~"
The entire moment she was talking with someone, I couldn't help but to stare and wonder whom she was talking to.
Nabalik lamang ako sa realidad nang makaratimg na sa harapan ko si President, nakataas ang isang kilay nito sa akin nagtatanong kung anong kailangan ko.
"U-uhm pinabibigay po pala ito ni Ms. Frances," I stutterly said while handing out the envelope which is a contract inside, "Urgently needed your signature po."
"Thank you.." tipid nitong tugon.
At muli ay bumalik ang maaliwalas nitong mukha nang umupo sa kaniyang desk at sinimulang basahin ang nilalaman ng envelope.
Gusto ko nang pagdudahan ang misteryosang ngiti nito. Nakakapanibago lang kasi, ngunit alam kong wala ako sa lugar upang mang-usisa.
Kung anuman o sinuman ang dahilan ng mga ngiti ngayon ni President Leigh ay mas lalo lamang siyang pinapaganda nun. Sana ganito na lang siya palagi. Ang walang buhay na kulay abo na opisina ay waring nagkaroon ng masiglang kulay.

BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...