Chapter 7

1.2K 43 1
                                    

Pagdating ko sa kompanya ay kapansin-pansin ang pagiging abala nang lahat. Hindi ako agad napansin nina Mr.Brooke nang madaanan ko ang department nila kung hindi ko pa sila binati.

Pagpasok sa loob ay nandoon na si Mr. Alastair sa kanyang table nang makarating ako, na tulad nina Young na sa sobrang busy ay hindi siguro napansin ang presensya ko. Binati ko rin ito upang makuha ang atensyon.

"Sorry. Nandyan ka na pala, Ms.Arkesha. Good morning rin." Tipid itong ngumiti.

"Mukhang abala po ang lahat," ani ko.

"Next month na kasi ang opening ng warehouse na itinayo sa Laguna. May mga dinagdag kasing detalye si Miss President," nakangiting tugon ni Mr.Alastair kahit na halata ang stress sa itsura nito.

"Oo nga pala." Mineeting na kami ni President Leigh tungkol doon noong nakaraan.

"Sinend ko na sa email mo yung mga gagawin mo, check mo na lang," dagdag nito.

"Thank you po.." tugon ko at tipid na ngumiti.

"Nga pala, as per Miss President ay nabanggit na niya sayo na mula ngayon ay sa loob na ng office niya ang magiging desk mo," ani Mr. Alastair, "Nailipat na yung mga gamit mo sa loob. Kung may kailangan ka ay pwede kang tumawag sa intercom o labasin ako dito."

Sandali akong natulala. Hindi ko akalaing seseryusuhin ni President Leigh ang sinabi niya.

"Opo, nabanggit nga po ni Miss President bago siya umalis n'ong tanghali kahapon," ani ko na lamang. "Andyan na po ba siya sa loob?" dagdag kong tanong

"Wala pa siya, kaya mabuting ayusin mo na muna kung may gusto kang baguhin d'on sa desk mo sa loob," suhestyon ni Mr. Alastair.

Tipid akong tumango bilang tugon. "Sige po. Salamat po uli sa lahat nang naging tulong niyo sa akin Mr.Alastair," I sincerely said, "Pasok na po ako.."

Pagdating ko sa loob ng office ni President Leigh ay nakita ko na agad ang magiging bagong desk ko. Nasa kanang bahagi lang ito, malapit sa desk ni President Leigh na bakante pa sa ngayon. Meron lang inusog na gamit gaya ng cabinet para maipwesto ang desk ko.

Tingin ko ganito rin siguro ang nararamdaman ni Mr.Alastair n'ong mga unang araw niya bilang secretary ni President Leigh. Nalilito rin siguro siya sa pabago-bagong isip at biglang desisyon ng presidente, pero baka nga hindi naman talaga kailangan basahin si President Leigh kundi kailangan niya lamang ng taong maiintindihan siya.

Marahan akong naglakad palapit sa magiging desk ko at masasabi kong nagustuhan ko ang pwesto nito at pagkaka-ayos ng mga gamit ko. Though wala naman itong pinagkaiba sa pagkaka-ayos ng mga gamit ko sa labas dati, pero di ko pa rin napigilan ang mapangiti.

Maya-maya'y nahagip ng mga mata ko ang ilang picture frames sa ibabaw ng cabinet sa gilid malapit sa bago kong desk. Hindi ko napansin ito dati kaya bigla akong tinamaan ng kuryosidad. Isa-isa kong tinignan ang mga ito at lahat ay picture ni President Leigh nung bata siya kasama ng mga magulang niya siguro.

Kinuha ko ang isang picture frame sa gilid at pinakatitigan ito nang maigi. Hindi ko alam pero sa totoo lang parang pamilyar sa akin ang itsura ng papa ni President Leigh. Parang nakita ko na noon pero hindi ko malaman kung saan o kailan. Isa pa, hawig ng mama niya ang mama ko. Hmm?

"Why are you holding my picture frame?"

Because of her intimidating voice that made me startled, I accidentally broke the picture frame as it slipped off my hand. Ang naging unang instinct ko ay ang agad na pulutin ang nabasag na picture frame kaso sa kamalasan, it cuts me.

"Ugh.." daing ko nang agad na may umagos na dugo sa gitnang daliri ko.

Pinabayaan ko ito at tinuloy ang pagpulot sa mga bubog dahil sa takot na mapagalitan.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon