"Leigh....!" Nabalot ang buong silid ng sigaw ni Arkesha, mabilis nitong pinuntahan ang kasintahan.
Binitiwan ni Arkesha ang hawak na katana at baril, madali nitong sinalo si Leigh bago pa man ito tumumba sa lupa.
"A-Arkesha," Leigh groaned in pain.
Kinapa ni Arkesha ang tama ng baril sa likod nito. "L-Leigh?" Nanginig siya nang makitang may bahid ng dugo ang kaniyang kamay.
Nagsimulang umagos ang masaganang luha mula kay Arkesha at napahagulhol na sa iyak.
"No. No. No. My love, please," Arkesha cries.
Masuyong inabot nang nanghihinang kamay ni Leigh ang pisngi ni Arkesha na basa ng luha.
"Hush, my love. Sshhh" pagpapatahan ni Leigh sa minamahal.
"D-Don't leave me, Leigh. Fuck, please! W-Wag mo akong iiwan, p-pakiusap. Iniwan na a-ako ni ate, hindi ko na a-alam ang gagawin ko," hagulhol na iyak ni Arkesha.
Nahihirapan man ay hindi napigilan ni Leigh ang bahagyang mapangiti sa inaakto ngayon ni Arkesha. "I won't," Leigh whisper.
Ayaw pa rin magpa-awat ng mga luha ni Arkesha, halos yakapin na niya nang mahigpit ang duguang katawan ni Leigh.
Sunod na nabalot ang buong silid nang magkakasunod na palakpak mula kay Ichi-san. "What a beautiful dramatic scene?" Punong-puno ng pagka-sarkastiko ang tono ng boses nito.
Sobrang talim ng tingin ang ipinukol ni Arkesha kay Ichi-san.
Ngumisi ito. "Your reaction now satisfies me, Larqueza."
Marahang inihiga ni Arkesha ang nanghihinang duguang katawan ni Leigh sa wooden floor. Hindi na siya nag-abalang punasan pa ang mga umagos na luha sa kaniyang pisngi, dinampot nito muli ang katana'ng binitiwan kanina at wala sa sariling tumayo.
Bagsak ang ulo nito habang marahang naglalakad palapit kay Ichi-san, walang pagda-dalawang isip nitong pinapaulanan nang magkakasunod na pagwasiwas ng kaniyang katana ang lalaking puti ang mga mata na walang kahirap-hirap na naiilagan lamang nito.
"Are you really going to fight me with that state of yours?" There's a amusement in Ichi-san's voice.
"I don't care." Walang buhay na saad ni Arkesha. "All I need to do is to kill you! To stop your craziness and to stop you from manipulating our lives."
"Do you see yourself, Larqueza? You're driven now with your so much emotion. You act only base on what you feel Ni hindi mo pinag-iisipan ang bawat galaw mo. Not only you, all of you. Kaya ang dali niyong paikutin sa mga kamay ko." Patuloy na pag-atras at pag-iwas ang ginagawa lamang ni Ichi-san habang nagsasalita.
Walang tinugon si Arkesha. Hindi pinagtuunan ng pansin ang mga sinasabi nito.
"See my niece? Hindi siya ganiyan kahina until you came in to her life. I taught her how to be tough and strong, but you blinded her with your so called 'love'" Tumawa ito nang pagak. "Love is bullshit, Larqueza. Love only makes people's stupid, and looks like people loves to be stupid."
"You are the bullshit, Ichi-san. You need to die!" mariing tugon ni Arkesha. May kasama nang panggigigil ang pagwasiwas ng kaniyang katana ngunit hindi niya magawang mahuli nang maayos ito.
Nagpatuloy si Ichi-san sa kaniyang pagdaldal, not minding what Arkesha have said.
"See your sister? She was also fooled by her emotions too. Going here with just only herself and some rusty weapons was a stupid thing. By the way, have you enjoyed the show?" Nakakarindi sa pandinig ni Arkesha ang pagtawa ni Ichi-san, para iyong tawa ng isang demonyo.
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...