Chapter 40

1.1K 47 3
                                    

Leigh's POVs:

"Good morning, my love!"

"Lyle!?" Nabigla ako nang pagbukas ko nang pinto ay magiliw na ngiti ni Lyle ang sumalubong sa akin. "Why are you here?"

"Hmm. Obviously, sinusundo ka," tugon nito.

"Bakit?"

"Anong bakit? May masama bang sunduin kita?"

"No. Uhm. Ano lang-"

"Ano?" he ask.

"Nothing."

Ngumiti na lang ito at inabot sa akin ang kanina pa niyang hawak na bouquet of tulips.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Iba talaga ang dulot sa akin ng tulips.

"Thank you," I sincerely said.

"Anything for you, my love."

Marahan na lamang akong tumango.

Habang nakasakay kami sa elevator pababa sa parking area ay halos wala kaming imik. Medyo na-awkward-an na ako kay Lyle simula nung mahuli kami ni Arkesha n'ong nakaraan.

Halos lumundag ang puso ko nang sakupin ni Lyle ang palad ko gamit nang mainit niyang palad. Napalingon ako sa kaniya dahil doon, ngunit binigyan lang niya ako nang matamis na ngiti.

Pagdating sa parking area ay nag-boluntaryo si Lyle na siya ang magda-drive.

"How's Arkesha?" hindi ko na napigilang itanong.

Naramdaman ko naman ang pagkatigil ni Lyle dahil sa tanong ko ngunit pilit niyang binalewala.

"I don't know."

"Bakit?"

"Wala siya sa bahay. Lumayas sila ni Noah," balewalang sagot nito.

"Saan sila pumunta?" nabiglang reaction ko.

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam."

"Bakit parang hindi ka nag-aalala na wala ang mag-ina mo?"

"Kay Noah, oo, pero kay Arkesha ay hindi."

"Lyle!" sita ko rito.

"Could we please not talk about them?"

"But-"

Natigilan ako nang mapansin kong nagbago ang aura ni Lyle. Hindi ko na siya kinulit at inabala na lang ang sarili sa mga nakikita ko sa labas ng bintana. Gan'on pa man hindi ko maiwasang mag-aalala kina Arkesha dahil sa nalaman ko.

"Hindi ako gaanong nag-aalala kay Noah dahil alam kong hindi siya pababayaan ni Arkesha. Now, could you please clear your mind up from everything and just focus on me. I love you, Leigh."

Muling nabaling ang tingin ko kay Lyle nang mahimigan ko ang frustration sa boses nito. I bit my lips because of guiltiness.

Muli ko na lamang binaling atensyon sa labas ng bintana kasabay nang paglipad ng isip ko. Ugh. Hindi ko mapigilan, pinupuno ngayon ang utak ko ng mga tanong kung ayos lang kaya sila at kung saan sila ngayon tumutuloy.

Nagtaka ako nang igilid ni Lyle ang sasakyan at saglit na inihinto ito sa tabi. Pagbaling ko sa kaniya ay sinalubong ako ng kaniyang malamlam na mga mata. Hindi ko kinaya ang nangungusap niyang tingin na waring hinahalukay ang pagkatao ko kaya muli akong napaiwas. Siya lang ang tanging tao na nakakagawang basahin ang aking mga mata kahit na madalas ay walang emosyon ang mga ito.

"I really do love you, Leigh," halos paos na bulong ni Lyle.

Pilit ko siyang hindi nilingon. Napapikit ako nang mariin dahil sa matinding guilt. Hindi ko na muling magawang bigkasin ang kaparehong salita sa kaniya.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon