Nangunot ang noo ni Eva nang masilaw sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Marahan siyang napakusot ng mata nang tuluyang magising.
Matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi nang bumungad sa kaniya ang napakagandang mukha ng kaniyang kasintahan na nakahilig sa kaniyang dibdib at mahimbing na natutulog. Kusang kumilos ang kaniyang kamay upang hawiin ang nakakalat na hibla ng buhok nito sa mukha. Imbes na iipit ito sa likod ng tenga ni Heloise ay hindi naiwasan ni Eva na laruin ang mahaba at natural na kulay maputlang puti na buhok ni Heloise.
Dahil sa ginawa ay naalimpungatan ito ng gising at napangiti na lang rin nang magandang mukha naman ni Eva ang sumalubong sa kaniya. Muling napapikit si Heloise at hinigpitan ang pagkakayakap dito.
"Good morning," masuyong bati ni Eva.
"Hmm. Morning," Heloise groaned.
"What time is your class?"
"8am," she answered.
Dahil sa sinabi ay inabot ni Eva ang phone na nasa bedside table upang silipin ang oras.
"Hindi ka pa ba babangon?" tanong nito.
"Mamaya na, nag i-enjoy pa ako yakapin ka." Mas lalong nagsumiksik si Heloise sa leeg ng kaniyang kasintahan.
"It's already quarter to eight," anunsyo ni Eva.
Sa sobrang antok pa ay hindi agad nag-sink in kay Heloise ang sinabi ni Eva.
"Heloise," muling paggising ni Eva rito.
"Hmm?"
"Male-late ka na."
Imbes na bumangon ay nagawa pa ni Heloise na gawing komportable ang sarili.
"Heloise," muling tawag ni Eva sa pangalan ng kasintahan.
Iritableng nagdilat ng mata si Heloise. "What?"
Pinakita ni Eva ang oras sa kaniyang phone. "Mag a-alas otso na. You said last night, may test kayo ngayon diba?"
"Sino bang may kasalanan?" Tumirik ang mata ni Heloise sa pag-irap. "Pupunta-punta ka dito sa apartment ko tapos papagurin ako, ngayon kitang nagpapahinga pa ang tao eh," wala sa sariling bulyaw nito.
Nakaramdam nang panginginit ng pisngi si Eva dahil sa tinuran ni Heloise, kaya naiiwas nito ang mukha upang itago ang pamumula.
"B-bumawi lang-" She cleared her throat. "-Lang ako. Ilang linggo akong naging busy."
"Iyon na nga. Bigla ka na lang nawawala at bigla na lang sumusulpot. Walang paliwanag kung saan ka nagpupunta Ni walang paramdaman sa text, tawag o chat man lang. Kahit sulat sa papel na iipit mo sa kalapati para maipadala sa akin maa-appreciate ko na eh. Nag-aaral ako nang matino kagabi tapos nasulpot ka na lang bigla kung kailan mo gust-"
Natigil si Heloise sa kakadakdak nito nang patahimikin siya ni Eva sa pamamagitan ng halik. Agad na pinamulahanan ng pisngi si Heloise matapos dahil sa ginawa ng kasintahan.
"Go to the bathroom, papaliguan na kita," Eva commanded.
"Tse. I can manage myself," pagsusungit ni Heloise.
Bumangon na matapos nun si Heloise sa kama. Walang pakielam sa kahubdan ay pinulot ni Heloise ang kaniyang mga damit na nakakalat sa sahig.
Napatawa na lang nang mahina si Eva at napailing habang sinusundan ng tingin si Heloise na papasok sa banyo. Bumangon na rin siya at pinulot sa sahig ang mga damit saka nagbihis. Dumeretso ito sa kusina upang maghanda naman ng agahan nila ni Heloise.
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...