Leigh's POVs:
Today is the day.
I heavily sighed. Kailangan ko nang simulang ayusin ang lahat or should I say tapusin ang lahat.
Parang may mabigat na kung anong bagay ang nasa lalamunan ko na ayaw matanggal. At gan'on rin ang katawan ko, para akong may pasan-pasan at hindi ko maigalaw nang maayos.
Pinagmamasdan ko lang ang mga matatayog na gusali at napaka-gandang tanawin sa labas ng malaking bintana ko. Kahit anong ganda ng buong lugar ay hindi nito mapawi ang lungkot na sumasakop sa buong pagkatao ngayon.
Nasa point ako ngayon na nagdadalawang isip kung kaya ko nga bang tapusin ang lahat sa amin ni Arkesha. Dahil sa totoo lang, parang hindi ko kaya– hindi, dahil hindi ko talaga kaya.
Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang maistorbo ako dahil sa pagbukas ng pinto. Pagharap ko ay matamis na ngiti ni Arkesha ang bumungad sa akin. At waring lahat ng bigat na nararamdaman ko ay biglang nawala.
"I didn't expect na ganito ka kaaga, Leigh. Good morning pala, my love," nakangiting bati niya.
Oh God, why you make me fall hardly to this woman infront of me? Paano ko tatapusin ang lahat sa amin kung siya ang lahat sa akin. Ang hirap.
"Oh, what happen? Bakit ganiyan ang itsura mo?" usisa nito.
Umiling ako at pilit na ngumiti. Ang mahigpit na pagkakasirado ng kamao ko sa likod ko upang pigilan ang nag-uumapaw kong emosyon ay unti-unting lumuwag, napabuga ako nang malalim na hininga pagkatapos.
Punong-puno ang mga mata ni Arkesha ng pag-aalala habang palapit sa akin. Iilang porsyento pa nga lang ng lakas ng loob ang naiipon ko upang itigil ang lahat sa amin ni Arkesha, ngunit lahat nang iyon ay madaling nawala nang malanghap ko ang samyo niya. Hindi ko talaga kaya.
Nang tuluyang makalapit sa akin si Arkesha ay walang pagdadalawang isip kong pinagdikit ang aming distansya at sinakop ang labi niya. Nabigla siya nung una dahil sa pagiging agresibo ko ngunit kalaunan ay ipinikit na rin niya ang kaniyang mga mata at buong lugod akong tinugon.
Napakagaan ng halik na pinagsasaluhan namin ngayon. Walang pagmamadali. Dinadama ang bawat init at lambot ng labi nan g bawat isa. Nilalasahan ang napakatamis na halik.
May takot na bumabagabag sa akin ngayon na baka maaaring ito na ang huling beses na mahalikan ko siya. Ayoko sanang mangyari iyon ngunit wala akong magagawa. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay ang sulitin ang bawat oras, minuto, at segundo na natitira sa aming dalawa. Halos ayaw kong lubayan ang kaniyang mga labi kung hindi lang ako nanggigigil sa leeg niya kaya nang dumapo doon ang aking labi ay nakagat ko iyon kasabay nang pag-amoy sa bango niya.
Habang ginagawa iyon ay mabilis ko siyang inikot at sinandal sa may bintana. Nawala sa isip ko ang agam-agam na paano kung may makakita sa amin mula sa labas. Mas lalo ko lang dinikit ang katawan sa kaniya habang malikot na gumagala ang mga kamay kong mapangahas sa kaniyang kalambutan.
Mga ungol niya ang bumubusog sa tenga ko na sobrang hahanap-hanapin ko pagkatapos. Kung paano niya iungol ang aking pangalan ay parang isang napakagandang melodiya sa aking pandinig.
Nang magsawa ang aking labi sa kaniyang leeg ay umakyat ito patungo sa tuktok ng kaniyang tenga. Marahan ko itong kinagat na mas lalong nagpalakas ng ungol niya. This is my favorite part of her body, kakaibang melodiya kasi ang lumalabas sa napakasarap niyang labi pagkatapos.
"Ngh hmm" she moaned as I blow her ear.
Muling bumalik ang aking labi sa kaniyang mga labi. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakakapit niya sa aking braso kaya sandali akong humiwalay at pinagmasdan ang buong kagandahan ng babaeng mahal ko.
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...