Chapter 52

792 29 0
                                    

Lulan ng sasakyan ko, malayo pa lang kami ni Ate Eva ngunit kapansin-pansin na agad ang bahay. Hindi ko alam kung anong meron pero nakakakaba ang kadiliman ng buong bahay. Nang tuluyang makahinto kami ni Ate Eva sa tapat ay binalingan ko siya nang nagtatakang tingin.

"Don't give me that stare? Magkasama tayo, I also don't know the answer," she stated.

Marahan na lang akong tumango at naunang bumaba ng sasakyan.Hindi ko na hinintay pa ito sumunod sa akin. Pagpasok ko ay walang kaliwa-liwanag. Sinubukan kong buhayin ang ilaw ngunit kuryente talaga ang wala. Nangangapa man sa dilim ay sina Leigh at Noah ang agad na hinahanap ng mata ko.

"Leigh? Noah?" tawag ko sa kanila, "Heloise?"

Una kong pinasok ang mga kwarto. Maging sa banyo ay hinagilap ko sila. Inikot ko rin pati ang kusina at basement, but there's no any single sign of them.

Ayoko man ngunit nagsisimula na akong akyatan ng kaba. Hindi ko gusto itong takot na kumakain sa akin ngayon. I may looked calm on the outside but my inner thoughts were in chaos.

"Leigh? Nasaan kayo? Noah?"

Wala akong naririnig na anumang tugon sa buong bahay.

Sinubukan kong lumabas ng bahay ngunit wala na akong naabutan na Ate Eva. Pati siya, nasaan na rin? Pinaglalaruan ba nila ako?

Muli akong pumasok ng bahay at pinag-igi ang paghahanap. Bawat sulok ng bahay ay pinuntahan ko na mahanap lang sila.

Maka-ilang beses kong tinawagan ang mga cellphone nila pero lahat ay out of service. Damn it! Nagsimula na tuloy akong makaramdam ng panic. I don't want to think the worst but I can feel my rapid heartbeat. My hands were trembling and I'm breathing heavily, sounded like I've run a mile.

Sa sobrang gulo ng isip ko ay napa-upo na lang ako sa sofa. Hindi na nagpa-awat ang mga luha ko sa pag-agos. Please, please sana panaginip lang ito. Hindi ko na napigilan, napahagulhol na ako ng iyak.

Natigil ako sa pag-iyak nang may marinig ako na banayad na melodiya. Parang hagod ng isang bow sa string ng violin, bukod doon ay sinasabayan pa ng saxophone. Napatayo ako at nagpalinga-linga hinahanap ang pinagmumulan.

Ilang sandali makalipas, sa pagsunod ko sa banayad na melodiyang naririnig ay dinala ako ng mga paa ko papunta sa likod bahay. Gusto kong sapukin ang sarili ko, bakit hindi ko naisip na hanapin sila dito?

Mas lalong nagsituluan ang mga luha ko nang sa wakas ay matagpuan ko na si Leigh. Nakangiti at nakatayo ito sa gitna ng garden. Nasa likod niya ang mga musicians na tumutugtog ng violin at saxophone.

Hindi lang siya ang narito, nakapaligid sa amin ang mga kasamahan namin. Ang mga kanina ko pa hinahanap na sina Noah, Ate Eva, Heloise ay nandito lang pala. Maging ang mga kaibigan ko sa maintenance department at ganun rin ang team ni Mr.Brooke ay kasama nila at may hawak na tig-iisang kandila. Walang kaliwa-liwanag ang buong lugar maliban sa matingkad na sinag na ibinibigay ng buwan. Mas lalong pinaganda ng mga decorations lights ang paligid.

Para akong batang pinunasan ang luha ko na ayaw tumigil sa pag-agos. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Marahan akong humakbang palapit kay Leigh na magiliw akong hinihintay sa gitna.

"Para kang uhuging batang yagit na umiiyak," biro ni Leigh.

Napairap ako. "Tse. May atraso ka pa sa akin, pina-kaba mo ako masyado."

Leigh smile and gently held my face while helping me wiping my tears. Bakit ba kasi ayaw nilang tumigil? Natatawa na lang kami parehas habang magkatitigan sa mata ng isa't-isa.

"Hey, may prinactice akong speech. Hindi ako makapagsimula kung napaka-iyakin mo," natatawang ani Leigh.

"Eh, anong magagawa ko? Ayaw nilang magpa-awat, ikaw kasi eh," paninisi ko pa.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon