Chapter 64

609 26 1
                                    

Humahangos si Heloise pagkapasok sa isang silid. Sinundan niya ang narinig na malakas na kalabog at dito siya sa kwartong ito dinala ng kaniyang mga paa.

Natigilan si Heloise nang masaksihan kung paano halos mapuno ang silid ng dugo ng mga patay na bantay na nakahandusay sa sahig. Halos putol na ang ulo ng mga ito at ang iba'y hindi na makilala ang mga itsura.

Halos napahawak naman siya sa kaniyang bibig sa pagkagulat habang nasasaksihan sa kaniyang harapan kung paano sunod-sunod na hinahampas ni Arkesha ang mukha ng hawak nitong lalaki sa pader.

"Nasaan si Ichi-san?" mahina ngunit galit na tanong ni Arkesha sa lalaking halos hindi na makilala ang itsura.

Muli niyang hinampas nang malakas ang mukha ng lalaki sa pader nang hindi ito nagsasalita.

"Wakarimasen! Wakarimasen!"

"Ano!?" Umalingaw-lingaw sa buong silid ang sigaw na iyon ni Arkesha.

Ihahampas sana uli ni Arkesha ang mukha ng lalaki sa pader nang lakas na loob siyang nilapitan ni Heloise at hinawakan sa balikat upang pigilan.

"Hindi ka niya naiintindihan," Heloise sternly said.

Napatigil naman si Arkesha dahil doon.

"Ichi-san wa doko desu ka" [Where is Ichi-san?] baling na tanong ni Heloise sa lalaki.

"S-sho....k-kudo"

Muling hinampas ni Arkesha ang lalaki sa pader nang hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"Nasaan!?"

Hinigpitan ni Arkesha ang pagkakahawak niya sa ulo ng lalaki at muli sana niya itong ihahampas nang muli siyang pigilan ni Heloise.

"Sa tingin ko ang sinasabi niya ay ang dining hall," ani Heloise.

Tinignan lamang siya ni Arkesha at sa huling pagkakataon ay mas malakas na niyang hinampas ang lalaki sa pader na halos dumikit na ang mukha nito roon at binitawan na ang lalaki.

Yumuko si Arkesha upang kunin ang nabitawang baril ng lalaki, pagtingin niya sa magasin ay puno pa ito ng bala. Hindi ito nag-abalang tapunan ng tingin si Heloise at nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad na hinahakbangan lamang ang mga walang buhay na katawan ng mga bantay na nakahandusay sa sahig.

"S-saglit, anong nangyari? Nakarinig ako ng pagsabog kanina. Nakita mo na ba si Eva?" sunod-sunod na tanong ni Heloise habang hinahabol si Arkesha.

Waring bingi si Arkesha na hindi man lang pinapansin si Heloise, patuloy ito sa paglalakad. Di pa sila nakakalayo nang harangin sila ng ilang mga bantay na paakyat sa hagdanan, halo-halo na ang mga naka-yukata at mga lalaking naka-black coat.

Natigil si Arkesha sa pagbaba at isa-isang tinignan ang mga kalaban sa kaniyang ibaba. Humigpit ang pagkakahawak ni Arkesha sa katana at baril, walang pagdadalawang-isip niyang sinugod ang mga nasa harapan niyang kalaban at pinagpuputol ang ulo ng mga ito.

Hindi napigilang mapatakip si Heloise ng bibig nang makaramdam na masusuka mula sa kaniyang nakakadiring napapanuod.

Halos lahat ng mga nasa unahan ni Arkesha ay tumba na at wala ng mga ulo. Napapa-atras naman ang ibang mga kalaban habang nakatingin kay Arkesha na may mga talsik na ng dugo sa katawan at mukha mula sa mga kasamahan nila.

Blanko ang tinging tinignan sila ni Arkesha isa-isa na nagdulot sa kanila ng kakaibang kilabot sa katawan at lalong ikina-atras nila.

Sinubukang tutukan ng isa sa kanila si Arkesha ng baril, ngunit bago pa nito makalabit ang gatilyo ay mabilis pa sa hangin na pinutol ni Arkesha ang braso nitong may hawak sa baril. Napuno ang buong lugar na iyon ng hiyaw ng lalaki habang hawak-hawak ang putol na braso.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon