Chapter 30

1K 37 0
                                    

Ilang ulit na tunog ng doorbell ang pumilit na nagpabangon kay Leigh. Bahagyang nahihilo pa ang pakiramdam nito ngunit pinilit niya ang sariling tumayo sa kama.

Saglit niyang inayos ang sarili sa harap ng salamin at nagsuot na lang ng pulang roba dahil tanging malaking puting t-shirt lang at underwear ang suot nito.

Inaasahan niyang admin lang nitong condominium ang nasa labas at makulit na doorbell ng doorbell, ngunit ikinabigla niya nang masilip sa peephole ang isang nakangiting Lyle Sebastian. Agad naman niya itong binuksan.

"Good morning, my love.." magiliw nitong salubong.

Instead of greeting back, her eyebrows furrowed. "Anong ginagawa mo dito?" bungad niyang tanong dito.

"Aalagaan ka," ngiting-ngiti tugon ng huli, ipinakita ang bitbit na isang basket na punong-puno ng prutas.

Bahagya namang napangiti si Leigh dahil doon. "Maayos na ang pakiramdam ko kumpara kaninang madaling araw. Nakainom na din ako ng gamot," ani nito.

Lalong lumapad ang ngiti sa labi ng lalaki. "Edih para mas lalo kang gumaling."

"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?"

"I have my ways, my love.." Then playfully winked at her.

Leigh eyed him from head to toe. Halatang galing pa ito sa kompaniya dahil sa suot nitong pormadong corporate attire. Maaari, nang hindi siya makita kaninang umaga at malamang may sakit siya ay lumiban ito ng pasok upang puntahan siya.

Napabuntong-hininga na lamang ang huli. "Pasok ka," anyaya nito sa lalaki.

"Pinagdalhan kita ng mga prutas para tuluyang bumalik ang resistensiya mo. Hmm, masyado mo sigurong pinapagod ang sarili mo," daldal nito habang tinatahak nila ang daan paloob.

"Lyle, okay na ako. Konting pahinga na lang ito." Pinanuod niya ang lalaki nang ilapag nito ang dalang basket ng mga prutas sa sala table.

"Hayaan mo na akong alagaan ka. Isa pa, gusto rin talaga kitang makasama." Umupo ito sa sofa pagkatapos ay bigla siyang hinila paupo sa kandungan nito at niyakap nang mahigpit mula sa likod. "I miss you, Leigh. I miss you so much....every day," he sincerely whispers to her ear.

Bilang tugon ay niyakap ni Leigh nang mahigpit ang mga brasong nakapulupot sa kaniya.

Nagtagal sila nang ilang minuto sa ganung posisyon. Hinayaan ni Leigh ang sariling makulong at damhin ang sarap dulot ng maiinit na bisig ng lalaki. In the corner of her mind, hindi niya masisisi si Arkesha kung naging desperado ito noon kay Lyle. Dahil maging siya ay naramdaman niya kung gaano kasarap magmahal ito at ang mahalin din ito.

Nakakatawa lang ang sitwasyon nila dahil madalas sa mga palabas ay magka-away ang kabit at ang legal, ngunit ang nangyayari ay parang si Lyle pa ang kanilang pinagtataksilan.

She may sound crazy, but what would she do? Leigh became addicted to her lips, to her scent, to her heat. She knows that she's the one who was tempting her but what would she do? Every time she's teasing her, her blushing cheeks, her swollen lips, how her body reacted to her, is so satisfying that Leigh can't almost get enough of it. There's a heavy urge and burning desire inside of her that wants to devour every strand of Arkesha's soft skin repeatedly from the first time her lips landed on it.

Noong una, inaamin ni Leigh na ilang beses niyang pinag-isipan na gantihan ang babae sa nagawang pang-aagaw nito kay Lyle noon, ngunit ang nangyari pa sa huli ay nagawa niyang protektahan ito at hindi maiwasang pangalagaan.

Alam niyang mali ngunit ang hirap pigilan. Kapag nandiyan si Arkesha pakiramdam niya ay maayos ang lahat. Kahit na may ideya siya na maaari siyang makasira ng isang pamilya sa pagpasok niya muli sa mga buhay nila ngunit anong magagawa niya. She loves Lyle so much, at si Arkesha....she doesn't know.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon