Chapter 41

1K 46 4
                                    

Leigh's POVs:

Nakangiti kong pinagmamasdan ang bouquet of tulips na maingat na nakapatong sa driver side seat. Gumising ako nang maaga para sumadya sa isang flower shop upang bilhan si Arkesha ng bulaklak.

Pagkarating sa company ay meron nang ilang mga tao. Inaasahan ko kasi ay wala pa talagang mga tao o kung meron man ay kokonti lang dahil maaga pa nga talaga. Pagka-akyat ko sa palapag kung nasaan ang opisina ko ay sinalubong ako nang katahimikan, walang katao-tao sa buong palapag.

Pagkapasok ko sa aking office ay natigilan ako nang masayang Arkesha ang sumalubong sa akin. Nakaupo ito sa kaniyang desk habang magiliw na binati ako nang magandang umaga kasabay ng maganda nitong ngiti. Ngingiti na rin sana ako pabalik nang unti-unti siyang naglaho sa paningin ko at doon ko lang na-realize na mag-isa lang pala ako ngayon.

Gosh, I'm hallucinating for missing her so much. Napa-iling na lang ako at nilapag saglit ang bag ko sa desk bago nagtungo sa desk niya. Maingat kong nilagay sa table niya ang dala-dala kong bouquet of flowers.

Hindi ako agad naging satisfied sa ayos nito kaya medyo nagtagal ako sa pagpu-pwesto nito hanggang sa makuntento ako. Napangiti ako nang matapos ako. Ini-imagine ko na ang nakangiting mga labi ni Arkesha maya-maya lang pagkakita sa bulaklak ko para sa kaniya.

"What are you doing?"

Nagitla ako sa biglaang pagdating niya but I immediately flashed my sweetest smile for her.

"Good morning," masiglang bati ko.

"Ano 'yan?" Tukoy nito sa bulaklak na nakapatong sa desk niya.

Madali ko itong kinuha at inabot sa kaniya. Tinignan niya lang ito at inangat na ang mga mata sa akin.

"Tulips?"

"Yep." Muli akong ngumiti. "For me, it insignifies sincerity and purity."

"Really?" Nagtaas ang sulok ng kaniyang labi at may himig nang pagiging sarkastiko ang kaniyang tinuran.

I immediately compose myself at pinilit na hindi nagpadaig sa nakaka-intimidate niyang tingin. "For you."

Muli nitong sinulyapan ang bulaklak na hawak.

"Kung ito ang bulaklak na binigay ni Lyle sayo na binibigay mo naman sa akin." Nag-angat ito ng tingin sa akin. "No thanks, Miss President. Magsisimula na po ako sa trabaho."

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. I wasn't expecting that.

I bit my lips hard because guiltiness. I do hate myself.

****

I slowly pour the milk on the cup of a hot coffee. I want to make sure it will taste really good. Right mix of sweetness and bitterness is a perfect coffee, for me.

I just want to greet her 'good morning' special. I am longing to see those genuine smile of her. I hope she'll like it.

Nang matapos ako, I slowly place it on the top of her table.

Napanguso ako nang mapansin na bahagyang magulo ang ibabaw nang kaniyang desk. Maraming nagkalat na mga files at documents. Saglit ko itong inayos.

Hindi pa ako nakuntento at kumuha ako ng sticky note. I write, 'Wishing you a great morning, my love. I love you'. Hindi ko napigilang mapangiti habang marahan kong dinidikit ang sticky note sa tasa ng ginawa kong kape. I make sure na ang sticky note ang una niyang mapapansin pagpasok niya.

Sakto nang mailapag ko sa ayos ang tasa ng kape na espesyal kong ginawa ay siyang pagpasok naman ni Arkesha. I immediately flashed again my sweetest smile at her.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon