Chapter 25

1.3K 48 1
                                    

Riding a car driven by Mr.Alastair, we finally reached the Faioli mansion in less than an hour.

Pagdating doon ay halos walang pagsidlan ang pagkamangha ko sa sobrang lawak sa loob nang makapasok kami sa mataas na gate ng mansyon. Sa magkabilang gilid ay ang hardin kung saan may ilang mga guards at maids na umiikot at abala sa kanilang ginagawa. Pagdating sa dulo ay malaking fountain ang sumalubong sa amin katapat nang isang puting mansyon.

Pagpasok namin ay isang grand staircase ang sumalubong sa amin, it was split in the middle to give space for the gigantic golden family portrait of the Faioli family. From Chairman Faioli to Sir Freire to Lithesia, all of them are looking respectable in the photo.

Dahil sa pagkatulala sa portrait ay hindi ko gaanong napansin ang isang lalaking nakatayo sa aming harapan at pormadong-pormado sa suot na American tuxedo.

"Good day, Miss President. Mr. Chairman is waiting for you," salubong nitong pagbati sa amin. Ito marahil si Secretary Kim.

Tumango lamang sa kaniya si President Leigh. Pagkatapos nun ay sinundan namin siya paakyat. Marami kaming dinaanan mga pasilyo at hindi ko pa rin mapigilan ang sobrang mamangha sa mga muwebles ng pamilyang Faioli.

Di nagtagal ay nakarating kami sa isang malaking double door na kwarto. Napapaligiran ito nang halos apat na gwardiya. Agad silang nagbigay-galang nang makarating kami sa tapat nila at sabay na binuksan ang pinto.

Pagpasok namin sa loob ay bumungad ang desk ni Chairman Faioli kung nasaan siya at abala sa kung anumang binabasa niya habang prenteng naka-upo sa kaniyang swivel chair. Hindi ko inaasahan na makita rito si Lithesia.

Dahil sa pagpasok namin ay waring nagambala namin ang pag-uusap nila.

"Oh Ate Leigh," pagbati nito, "I didn't expect to see you here. Pupunta sana ako mamaya sa office mo after ko makipag-meeting kay Grey at sa isang business partner mamaya."

Tipid na ngumiti sa kaniya si President Leigh bilang tugon.

"And you're here also Miss Arkesha?" pansin nito sa akin. Ngumiti lamang din ako dito.

"Umalis ka na kung aalis ka, Lithesia.." Chairman Faioli annoyingly shoved away his daughter.

"Fine, I gotta go my dearest father. Goodbye Ate Leigh. See you again Miss Arkesha. And bye to you also Mr. Alastair and Mr. Kim," pagpapaalam ng dalaga.

Humalik ito sa pisngi ng kaniyang ama at sa amin ni President Leigh bago tuluyang lumisan ng silid.

"Glad to see you here, my beloved daughter-in-law," pagbati ni Chairman Faioli, biglang naging masigla ang boses nito.

But I caught him signaling something to Mr. Kim by twitching his eyebrow.

Dahil doon ay magalang na yumukod si Mr. Kim. "Sa labas po muna ako, Mr. Chairman."

Napatingin ako kay Mr.Alastair nang senyasan din ako nitong lumabas. Dahil doon ay napasulyap ako kay President Leigh na nakatingin lang ngayon nang mataman kay Chairman Faioli.

Hindi ko siya maaaring iwan rito. Hinihintay ko lang na lumingon siya sa akin bilang senyales para malaman kong hindi dapat ako umalis.

Ngunit lumipas pa ang ilang segundo nang makaalis na si Mr. Kim ay hindi man lang lumingon si President Leigh. Nakangiti lang ngayon si Chairman Faioli sa kaniya, ngunit tulad nang dati ay may kakaiba sa mga ngiti nito.

I glanced at Mr.Alastair as he urged me to come with him outside. Muli akong napatingin kay President Leigh sa huling pagkakataon, ngunit muli ay hindi man lang siya lumingon sa akin.

Kaya't wala akong nagawa kundi labag sa loob akong nagpa-akay palabas.

Nang maisarado ang silid ay hindi ako mapakali. Gusto kong bumalik sa loob. Dapat hindi ko iniwan si President Leigh kahit wala siyang sinabi na manatili ako doon, gayong may ideya ako kung anong pwedeng mangyari ngayong silang dalawa na lang ni Chairman Faioli ang naiwan sa loob nang silid na iyon. Sobra akong nagsisisi.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon