Leigh's POVs:
Ayaw ko man ngunit hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng tampo. Lately, pansin kong masyado na akong nagiging transparent sa nararamdaman ko. I hate this.
Si Arkesha kasi eh. Hmp. Umalis pa rin siya kahit sinabi kong ayoko siyang pumasok. Pakiramdam ko sawa na siyang alagaan ako kaya pinapasa niya ako doon sa Heloise na iyon. Hindi niya lang siguro masabi ngunit marahil nakukulitan na siya sa akin. Hindi naman ako masyadong nagpapasaway sa kaniya ah.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon umiyak. Pagkaalis nina Arkesha ay hindi na ako umalis sa pagkakahiga dito sa kama niya. I sniff her scent on her pillow. Nami-miss ko na siya.
"Miss President, it's time to take your vitamins and medicine na po," rinig kong tawag sa akin ni Heloise ngunit hindi ko siya pinansin.
Kaming dalawa na lang ang naiwan dito. Pumasok na si Noah sa school at ganun rin sina Arkesha at Ms.Boa sa company. I already told her that I don't like Heloise pero iniwan niya pa rin ako kasama ng babaeng ito.
"Miss President?" Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Heloise.
"Hmp."
"It's time to take your vitamins and medicine na po," pag-ulit nito sa sinabi.
I still ignore her.
I heared her sigh. Ilang segundo makalipas ay wala akong maramdamang paggalaw mula sa kaniya kaya sinilip ko siya. Pinapanuod niya lang pala ako habang nakatayo sa gilid ng kama at nakapameywang kaya muli akong napasubsob sa unan.
"Go away," pagtataboy ko sa kaniya.
"Miss President-"
"Hindi ako iinom ng gamot hangga't hindi si Arkesha ang nagpapa-inom sa akin." pagmamaktol ko.
"Pero pumasok na po si Miss Arkesha. Hinabilinan niya po ako na painumin po kayo ng mga gamot niyo," tugon ni Heloise.
"I don't like you," prangka ko sa kaniya.
"I don't care. Basta uminom lang po kayo ng gamot."
"Ayoko," patuloy kong pagmamatigas ng ulo.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya nang malalim muli, mukhang nauubusan na siya ng pasensya na ikinangiti ko nang palihim.
"Mukhang mas madali pa po yatang alagaan si Noah," turan nito.
"Wala naman akong sinabing alagaan mo ako."
"Si Miss Arkesha ang nagsabi."
****
Ilang oras na ang nakakalipas ngunit ganun pa rin ang pwesto ko. Nakahiga sa kama ni Arkesha, yakap-yakap nang mahigpit ang unan niya at sinisinghot ang naiwan niya doong amoy. Pakiramdam ko sobra na akong naadik sa kaniya. Gusto ko lagi ko siyang nakikita at kayakap.
"Miss President, kakain na po."
Hindi ko pinansin si Heloise. I really don't like her. Hindi ko alam kung bakit.
"Miss President," muling pagtawag nito sa akin.
Nagpanggap akong tulog.
"Kakain na po," ulit nito sa sinabi niya.
"I'm sleeping," salita ko.
"Kumain po muna kayo para makainom po kayo ng vitamins at gamot niyo po."
"Luto lang ni Arkesha ang gusto kong kainin," sagot ko.
"Pero pumasok na po siya sa trabaho."
"Edih hindi ako kakain."
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...