Chapter 45

1K 44 3
                                    

"Mama!" Masayang sinalubong ako ni Noah pagkapasok ko ng bahay. Tumakbo ito sa akin at nagpabuhat.

"I miss you too, Noah."

"Mas miss po kita, mama."

"Talaga ba? Kiss mo nga si mama kung miss mo talaga ako."

Hinalikan naman ako ng anak ko sa kaliwang pisngi.

Napanguso ako. "Iyon lang?"

Pinabaling ni Noah ang kabila kong pisngi at iyon naman ang hinalikan niya.

"Dapat matagal," ani ko.

Sunod-sunuran naman ang anak ko at tinagalan ang pag-kiss sa akin. Natawa ako dahil may tunog pa talaga.

"Aww inggit ako, darling, anakan mo na kasi ako."

Napalingon ako sa sumulpot na mag-fiancè. Nakaakbay si Ms.Boa kay Heloise. Masama ang tingin na pinukol ni Ms.Boa sa nakangusong kasintahan. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa kanilang dalawa.

"Dyowk lang po, darling. Sa honeymoon na pala natin tayo gagawa babies," hagikhik ni Heloise.

"Nga po pala, matanong ko lang Ms. Boa. Ilang taon na po kayong mag-fiancè?" singit kong tanong.

"Almost two years na," nakangiti namang sagot sa akin ni Heloise.

"Bakit hindi pa po kayo nagpapakasal?"

"Ewan ko ba dito, halos kulang na lang ay kaladkarin ko sa simbahan. Naisip ko na ngang daanin sa dahas eh. Kidnapin siya at igapos tapos ipa-upo sa tabi ko sa altar para maikasal na kami ni Father," ngising turan nito.

"Mukhang stable na naman po kayo pareho sa isa't-isa, financially and emotionally," komento ko.

"Gusto daw muna niyang matapos ang misyon niya sayo bago kami magpakasal. Pinagbabantaan ko na ngang magpapakasal talaga ako sa iba dahil sa sobrang kupad niya kaso ang walangya hindi man lang nasisindak, porket alam niyang masyado ko siyang mahal at hindi ko kayang iwan," daldal ni Heloise.

Sa dami ng sinabi ni Heloise ay isang salita lang ang tumatak sa utak ko. "Misyon?" kunot-noong tanong ko.

"Oo, misyon. Kaya namasukan ako sa inyong kasambahay ay dahil sinabi niya. Bantayan ko daw kayo lalo na ikaw Miss Arkesha," dagdag nito..

"Ang daldal mo masyado. Laruin mo na nga muna ang alaga mo," sita ni Ms.Boa sa kasintahan.

"Owkie-dokie, darling," hagikhik ni Heloise at nag-salute pa. Ngiting-ngiting sumunod ito at kinuha sa akin si Noah saka naglaro sila sa isang tabi.

"Let's sit," pagaaya ni Ms. Boa.

Sumunod ako sa kaniya ay sabay kaming naupo sa sofa.

"How's, Miss President?" usisa nito.

"She's fine. Maselan lang ang pagbubuntis niya kaya doble ingat. I always remind her for a complete bed rest, as the doctor advised," kwento ko naman.

Tumango ito at sandaling nanahimik.

"How do you feel?"

Hindi ko napigilang kumunot ang noo dahil sa tanong niyang iyon.

"Anong nararamdaman mo?" ulit nito sa tanong.

Bumaba ang tingin ko at bahagyang hinanap ang sagot sa sarili.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon