Chapter 20

1K 45 1
                                    

Bahagyang napaaga ako nang kaunti sa pagpasok. Pagdating ko sa office ay medyo ikinabigla ko nang maabutan si Sir Freire. Nakaupo ito sa sofa at mukha itong may hinihintay na importanteng tao. Agad itong napa-angat ng ulo pagkapasok ko.

Wala pa si President Leigh kaya kami palang ang nandito.

"Good morning, Sir Freire," magalang kong pagbati.

Tumayo ito at lumapit sa akin. "Bakit ka nakipag-date sa kaniya?" salubong na tanong nito sa akin.

"H-Ho?"

Hindi ko na nagawang makapag-react pa as he held both of my hands tightly and stared at me intensely. "It's unfair. Please date with me too." Kita ko ang kaseryusuhan mula sa mga mata nito.

"E kasi po-" Gusto kong umangal ngunit pinutol na naman niya ako sa pagsasalita.

"Miss Larqueza.." Parang nagmamakaawa ang tono nito sa pagbanggit ng pangalan ko.

Ilang segundo kong tinitigan si Sir Freire. Hindi alam kung paano ako magre-react sa mga sinasabi nito.

Naistorbo kami pareho nang bumukas ang pinto. Magkasalubong na kilay ang ipinukol sa amin ni President Leigh nang makita kaming magkasama ni Sir Freire. Bumaba ang tingin nito sa mga kamay naming magkahawak- I mean, kamay kong hawak ni Sir Freire. Napatingin ako kay Lithesia na kasunuran lang nitong pumasok.

"What are you doing here, Kinnon?" President Leigh asked. Hindi maganda ang tono nito.

"I'm asking Miss Larqueza for date," Sir Freire answered casually.

"No!" Umalingawngaw sa buong silid ang matinis na boses ni Lithesia. "She's my girlfriend, Freire. Go find someone else." Madaling lumapit si Lithesia sa amin at marahas nitong inagaw ang kaliwa kong kamay mula sa pagkakahawak ni Sir Freire.

"I had her first. Kinuha lang siya sa akin ni Leigh." Mahigpit na hinawakan ni Sir Freire ang kanang kamay kong hawak pa niya at hinila ako palapit sa kanya.

"You have lots of girls out there. She's mine," madiin na sabi ni Lithesia. Seryoso nitong pinukulan nang masamang tingin si Sir Freire.

He chuckled. "Oh come on twin sister, don't be such a baby. I know she's straight. Napilitan lang siyang sumama sayo," ani nito, "She has a son, and I'm willing to take responsibility for her child once she chooses me."

"I don't care. She's my girlfriend. Just go back to your office, Freire. Go and fuck Alba or your secretary, Myfanwy or whoever you want. Not her," Lithesia firmly said.

Sir Freire laughed mockingly. "Mabuti pa si Miss Larqueza na lang papiliin natin kung sinong gusto niya." He glanced at me and grinned widely. "Come on Miss Larqueza, choose me. I know you want me too."

"No, she won't choose you." Hinila naman ako ni Lithesia palapit sa kaniya. "I said, she's mine. I won't let her be part of your collections."

"Enough the two of you!" Agad na napatigil sina Sir Freire at Lithesia sa pagbabangayan nang mapuno na si President Leigh. Halos mabingi kami sa sigaw nito.

"Secretary Arkesha doesn't need to choose between the two of you. She's not a property para pag-agawan niyong dalawang mag-kambal. She's my secretary. So please get your ass out of my office now!" maawtoridad na utos ni President Leigh.

Agad naman na binitawan ng dalawa ang kamay ko. Para silang mga tuta ngayon na napayuko na ayaw maparusahan ng amo. Ngunit panakaw-nakaw naman silang nagsasamaan ng tingin.

"I said...now," President Leigh exclaimed firmly.

Walang nagawa ang dalawa kundi ang sumunod. Nagsisiringan pa silang dalawa habang palabas ng office at nag a-ambahan.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon