Chapter 29

1K 46 1
                                    

Eva saw the restless face of the president entering the comfort room. Her eyes squinted in curiosity as she also noticed two of the Chairman's men were following behind her, dahil doon ay madali itong nagpunta sa comfort room upang harangan sila.

"I'm sorry, you can't enter," she said in a firm manner before they reached the comfort room.

"But the chairman-" one of the men spoke but the other nudged him that made him stop in the middle of his sentence.

The latter cleared his throat and pursed his lips.

Eva arched her eyebrow because of what she saw. "As you can see, it's a women's restroom.." she said instead, stating the obvious.

Sandaling nagkatinginan ang dalawang lalaki sa isa't-isa. At maya-maya'y walang salitang umalis.

Because of that, Eva decided to stand at the side, seems like guarding the restroom cautiously.

Holding a glass of wine, she waited patiently. Several minutes have passed when two women came out from the restroom, still no sign of the president.

Sandaling sumimsim si Eva sa inumin bago nito pasimpleng pinihit ang doorknob ng restroom upang pumasok, but to her surprise it was locked from inside. Dahil doon ay mas lalo siyang nagtaka.

Nanatili na lamang siya muli sa gilid, patuloy na hinihintay ang paglabas ng presidente.

Bumilang nang mahigit sampung minuto ito bago muling magbukas ang pintuan ng restroom, bahagyang ikinabigla niya nang makitang si Arkesha ang lumabas.

Sandali nitong pinagtagpi-tagpi ang mga nasaksihan, she then gave the empty wine glass to the waiter who passed by before finally deciding to enter the restroom.

Eva saw the president washing her hands at the sink. She automatically scanned her and the blood stains behind the president's dress didn't escape from her sharp eyes.

The latter noticed her point of gaze kaya't bahagya nitong tinago ang parte ng dress at pinakatitigan siya.

"Such a stubborn president.." Eva commented, sighing annoyingly.

The president pursed her lips and stared at her more intensely. Pinanuod nito ang huli nang hubarin ang white coat na suot, leaving her all black sleeveless tux jumpsuit.

"I think you should go home, Miss President" she said slowly while handing her coat, "Anyway, I've already warned you and I'm afraid I have to take action. Geez. You two are both stubborn.."

****

Malakas at malamig na simoy ng hangin ng umaga ang dumadampi ngayon sa balat ko. Di matatawarang tanawin ng mga nagtatayugang mga gusali ang nakapalibot sa akin. Mga naghahabulang ulap sa asul na kalangitan na tumatakip sa haring araw ang mas lalong nagpapaganda ng lugar.

Kani-kanina lamang ay magkasama kaming sumakay ni Lyle ng elevator paakyat sa executive floor nang makasabayan namin sa loob si Ms. Boa. Sobrang tahimik ng apat na sulok ng elevator, kapwa pinapakiramdaman namin ang isa't-isa hanggang makarating sa 14th floor.

Naunang lumabas si Lyle at nang susunod na ako sa paglabas ay hinawakan ni Ms. Boa ang braso ko na siyang ikinalingon ko sa kaniya. Tikom ang bibig nito na umiling at dinala ako dito sa roofdeck sa di malamang dahilan.

Nasa tabi ko siya ngayon at kapareho ko ring pinagmamasdan ang kapaligiran. Tantya ko ay kinse minutos na ang nagdaan simula nang umakyat kami rito ngunit di pa rin siya umiimik.

Kanina pa ako tanong ng tanong sa kaniya kung anong ginagawa namin dito hanggang sa mapagod ako ay hindi man lang niya sinasagot kahit isa sa mga tanong ko. Naisipan ko na ngang bumaba na lang at iwan siya ngunit waring may pumipigil sa akin na gawin iyon kaya nandito ako at nanatili na lang.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon