Hindi pumasok si President Leigh ngayong araw. Akala ko nung una ay late lang siya uli ngunit nag-message siya kay Mr.Alastair na ire-schedule lahat ng meetings at appointments niya ngayong araw. Binilin rin niyang i-finalize namin 'yong tinayong warehouse d'on sa Laguna kung meron pang mga kulang dahil next week ay mag o-ocular inspection siya.
Okay na pala 'yong paa ko. Gumaling rin siya matapos nang isang linggo mahigit. Paika-ika nga lang ako maglakad nang mga unang araw. Dahil doon ay hindi ako pinapasok nang dalawang araw ni President Leigh matapos nang Family Day ni Noah para daw madaling gumaling ang paa ko.
Sa kalagitnaan ng trabaho ay nagpaalam si Mr. Alastair na may kukunin lang daw na file sa loob ng office ni President Leigh. Saktong pagpasok ni Mr.Alastair sa loob ay dumating si Ms.Boa na ang seryoso ng itsura.
"Galing 'to sa logistic department, kailangan ng pirma dito ni Miss President," Ms.Boa dropped the envelope at my desk.
"Pero absent si President Leigh," tugon ko.
"It's your problem now." Iyon lang sinabi nito at muling padabog na umalis.
Ano bang problema niya? Tss. Mas mahirap pa siyang basahin kaysa kay President Leigh.
"Hindi pa rin pala ito napipirmahan."
Napatingin ako kay Mr.Alastair na kakalabas lang ng office habang binabasa ang nasa loob ng folder na hawak niya.
"Ano po iyan?" usisa ko.
"Contract," tipid na sagot ni Mr.Alastair, "Urgent kasi 'to,"
"Kailangan rin po ba ng pirma diyan ni Miss President?"
"Pinasa ko na ito sa kanya kahapon pero hindi pa pala niya napipirmahan," Mr.Alastair replied.
Napatingin ako sa hawak ko ring envelope na binigay ni Ms.Boa at saglit na napaisip.
"Kung ayos lang po sa inyo ay pupunta po ako ngayon sa condominium ni President Leigh at papapirmahan ko po sa kanya iyan," suhestyon ko.
"Uhh- hindi na, ako na lang pupunta."
"Ayos lang po kung ako na. Isa pa may papapirmahan rin po sana ako sa kanya dito," tukoy ko sa hawak na envelope.
"Are you sure? Alam mo ba kung saan nakatira si Miss President?"
I nodded in response.
Saglit akong tinignan nang mataman ni Mr.Alastair ngunit pinanatili ko ang ngiti sa labi.
He sighed in defeat and handed me also the folder. "Pasabi na lang rin na may important meeting siya bukas ng 8am with Manager Cruz."
Sumakay na lamang ako ng taxi papunta sa F&R Tower.
Pinakita ko lang yung company ID ko sa guard at pinapasok na ako. Pagdating ng elevator sa 14th floor ay ang malaking pinto ng condominium ni President Leigh ang bumungad sa akin. Saglit ko muna inayos ang sarili bago pinindot ang doorbell.
Ngunit ilang minuto na akong nagdo-doorbell at malapit na akong makumbinse na bumalik na lang sa kumpanya. Mukhang walang tao sa loob.
Paalis na ako nang bigla na lamang nagbukas ang pinto nang hindi man lang ako nakapaghanda. Agad akong napatalikod nang makita ang halos hubad nang katawan ni President Leigh nang buksan niya ang pinto, but who am I fooling? The image of her body already registered in my mind.
"I'm sorry Miss President hindi ko po sinasadyang-" agad akong humingi ng tawad ngunit pinutol ako ni President Leigh sa pagsasalita.
"What is it?" mahihimigan ang lasing na tono sa boses nito.

BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...