Chapter 26

983 35 4
                                    

Naglaho ang ngiti sa labi ni Leigh nang pagpasok nito sa loob ng kaniyang opisina ay si Lyle ang naabutan. Prenteng nakaupo ang lalaki sa swivel chair nito habang binabasa ang ilang papers sa ibabaw ng kaniyang desk.

Ang inaasahan kasi nito makita ay si Arkesha na nakangiti ring sinasalubong siya, gaya nang madalas nitong gawin tuwing umaga.

Agad ang pagliwanag ng mukha ni Lyle nang mag-angat ito ng ulo at makita ang babaeng kanina pa niya hinihintay.

"Beautiful morning, my love.." he sweetly greeted flashing his charming smile.

Leigh's eyebrows knotted in confusion. "What are you doing here?" she asked instead of greeting back.

"I prepared a special coffee for you." Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumapit sa kaniya upang iabot ang isang tasa ng kape.

Lyle purposely touched Leigh's fingers as she held the cup of coffee that the man offers. The president suddenly felt a sudden jolt as their skin made contact with each other.

Leigh smiled and awkwardly pulled her hands away with the cup of coffee. "Thanks," tipid na tugon na lamang nito.

"Anything for my love." Hindi pa rin naglalaho ang ngiti sa mga labi ng lalaki.

Sumimsim na lamang si Leigh sa kapeng ibinigay nito. The coffee is already cold but the taste is like what she wanted. Marahil ay kanina pa ito tinimpla ng lalaki.

Matapos nun ay sandaling iginala ni Leigh ang paningin sa paligid.

"Where's Arkesha?" she inquired.

Lyle pouted his lips. "Why are you looking for her when I am already here?"

Leigh can't help but to pinch his cheeks. He's being adorably cute for her.

"She's my secretary, that's why I'm looking for her."

Muling bumalik ang mga ngiti sa labi ni Lyle dahil sa sinabi nito. "She took a leave as she needed to take Noah to the hospital for a check-up," tugon nito.

Agad na bumahid ang pag-aalala sa mukha ni Leigh mula sa narinig. "Why? What happened?"

Tipid na napangiti si Lyle at hinawakan ang magkabilang balikat nito upang bahagyang pakalmahin. "You don't have to worry, Noah is fine.." he assured her, "Anyway, let's have a date today," Lyle charmingly invited.

Sandaling natulala si Leigh dito. "But I have pending works."

The latter gave her shoulders a gentle squeeze. "Please?" he pleaded, "Leigh, I hope you understand that I just miss spending time with you," Lyle sincerly insisted. "Kahapon ko pa gustong makasama ka ngunit dahil bukod sa nasa labas ang isa mong secretary ay narito pa sa loob si Arkesha."

Saglit na nag-isip nang malalim ang presidente at sa huli ay walang nagawa kundi ang pagbigyan ang hiling nito.

Lumawak ang ngiti sa labi ng lalaki sa naging pagtango nito. "Let's go."

"Ngayon na?" sandaling pagpigil ni Leigh dito nang hilahin na siya.

Nanatili ang matamis na ngiti ng huli. "Marami tayong pupuntahan at gagawin. Gusto kong magsimula muli tayo."

Ramdam ni Leigh ang sinseridad mula sa lalaki na alam niyang di niya kayang tanggihan kaya't muling nagpa-akay siya dito.

"Saan ba tayo pupunta?" usisa ni Leigh nang makarating sila sa parking lot.

"Gusto ko sanang bisitahin ang hive.." ani nito at hinarap siya. "Kamusta na kaya iyon, 'no?"

Ang hive ay isang tagong classroom sa loob ng kanilang school noon. Dati iyong Student Council office ngunit nang nagsimulang mapaligiran ng mga bubuyog ang paligid ay inabanduna na at wala nang masyadong nagagawing mga tao doon.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon