Chapter 58

647 31 0
                                    

Almost a month have passed before I totally recovered. It feels like, I waited for forever in hell. Matigas si Ms. Boa, anumang impormasyon tungkol kay Arkesha ay wala siyang ibinibigay. Mas lalo akong na-frustrate at nabaliw sa loob nang isang buwan. Wari akong bilanggo sa apat na sulok ng kama na iyon dahil sa leather strap na anumang pagmamaka-awa kong tanggalin ay hindi hinuhubad sa akin.

And today is the day. Tahimik ako ngayon na naka-upo sa passenger seat, pinapanuod ang mga nadadaanan namin. Katulad nang dati ay walang imik si Ms. Boa, focus na focus ito sa pagda-drive. Isang kanta mula sa stereo ng sasakyan lamang ang bumabalot sa kabuuan ng sasakyan, hindi ako familiar sa kanta more like 80's song pa ng isang hindi masyadong sikat na singer. I hugged myself, may suot naman akong jacket ngunit ramdam ko pa rin ang nanunuot na lamig sa katawan ko, mula sa malakas na buga ng aircon. Hindi na ako nag-abalang mag-reklamo o ang kusang hinaan ang aircon ng sasakyan, tiniis ko na lang at tinuon ang atensyon sa paglalakbay ng utak ko.

Pinapakiramdaman ko ang sarili ko, sa totoo lang ay hindi maaalis sa akin ang kaba sa anumang maaaring mangyari sa oras na magtagpo kami ni Arkesha, ngunit mas nangingibabaw sa akin ang pagkasabik na makita siyang muli. I miss her so much, and I miss Noah too. N'ong nakaraan ko pa ini-imagine at pina-practice sa utak ko kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat, I pray for the best that we will end up happy soon.

Hindi ko napigilang mapabuga nang malalim na hininga dahil sa magkahalong excitement at kaba na nararamdaman ko. Napansin ko ang saglit na pagsilip ng mata ni Ms. Boa sa akin ngunit hindi niya ako nilingon, mabilis niyang inalis ang paningin sa akin at tinuon ang atensyon sa stoplight na hinihintay niyang mag-kulay green.

I leave Lightley at the hospital with Heloise' care. Hindi man magandang tignan dahil basta ko na lang iniiwanan ang anak ko ngunit kampante ako dahil alam kong hindi siya pababayaan ni Heloise. Bumibisita rin si Zeus, kahalili ni Heloise sa pagbabantay. My baby is in good condition, nagi-improve ang lagya nito. I promised her na pagbalik ko ay kasama na ang mama niya, and that's what will I do.

Saglit akong natigilan nang matanaw ang isang mataas na wooden gate di kalayuan. I don't know kung design ba o sadyang ilang taon nang hindi nalilinisan ang gate, napapalibutan na kasi ito ng damong gumagapang at ilang baging.

Paghinto sa harap ay bumusina si Ms. Boa upang ipaalam ang pagdating naming. Ilang minuto ang lumipas nang tuluyang bumukas ang gate, sumaludo at bahagyang yumuko sa amin biglang paggalang ang taong nagbukas ng gate na wari ko ay ang bantay. Naka-puting shirt lang ito na hinuhulma ang may kalakihan nitong tyan at mahahalata ang katandaan dahil sa putting balbas sarado nito. Magiliw ang itsura nito base sa ngiting ipinapakita ng kaniyang mata bagamat nangungulubot man na ang balat.

Walang inimik si Ms. Boa sa matanda at dere-deretso lang sa pagda-drive papasok sa loob. Napalingon ako sa likod nang magsarado ang gate. Tirik na tirik man ang araw ngunit kakaibang kilabot ang hatid sa akin ng mga nagtatayugang puno na bumabalot sa paligid namin. Dahil ayaw kong magsalita ay wala akong ideya kung malapit na ba kami dahil waring pumasok kami ni Ms. Boa sa isang kagubatan.

Di nagtagal ay may natanawan na akong malaking bahay sa di kalayuan, sa totoo lang ay matatawag na itong mansyon. The whole house is coated with white color that needs a fresh lick of paint. Ang lawak at laki ng mansyon ay maihahalintulad ko sa mansyon ni Chairman. May malaking fountain din sa harap ngunit walang umaagos na tubig, may naka-imbak lamang na tubig sa ibaba na sobrang dumi at nilumot na. Haunted mansion ang unang papasok sa isip ng tao pag pumunta dito – mansyon na hindi mo maiisipang pasukin kung pangungunahan ka ng takot.

Marahang inihinto ni Ms. Boa ang sasakyan sa harap ng malaking bahay. Wala siyang inimik ngunit napagdesisyunan kong maunang bumaba. Ang creepy nang dating ng tunog ng mga tuyong dahon na naapakan ko pagbaba ko ng sasakyan. Nababalot ang buong lugar niyon. Maliban doon sa matandang bantay ng gate kanina ay wala pa ako nakikitang ibang tao sa buong paligid.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon