Lumipas ang isang buwang training ko bilang secretary. Sa lumipas na isang buwan ay nakakatuwang madali kong natutunan ang lahat. Medyo pressured nga ang maging secretary ng isang presidente ng kompanya, pero dahil lagi naman nandiyan si Mr. Alastair para umalalay sa akin kaya masasabi kong nagagampanan ko naman nang maayos ang trabaho ko kahit may ilang pagkakamali. Hanga talaga ako kay Mr. Alastair dahil ginagawa niya lahat ng ito dati nang siya lang mag-isa.
"Good morning po!" masigla kong pagbati pagkarating ko sa opisina.
Tulad nang dati ay maaga pa lang nandito na si Mr. Alastair. May hawak itong kape at mukhang paupo pa lamang sa kaniyang desk.
"Good morning too, Ms. Arkesha. Tara, kape tayo?" he charmingly smiley offer his cup.
"Thank you po," nakangiti kong tugon, "Nakapagkape na din naman po ako kanina sa baha bago umalis," I politely refused.
Hindi pa man ako nakaka-upo sa desk ko ay halos mapasubsob ako nang nagmamadaling naglakad si President Leigh sa likod ko, di nito sinasadyang masagi ako. Napalingon ako kay Mr. Alastair nang madali itong tumayo at yumukod upang bumati, agad ko naming inayos ang sarili at ginaya ang ginawa niya.
"Ano po kayang nangyari kay Miss President?" usisa ko kay Secretary Alastair nang makaupo na kami.
Ilang segundong pinag-isipan nito ang sasabihin ngunit sa huli ay marahan itong umiling. "Wala rin ako ideya pero mukhang hindi maganda," tugon ni Mr. Alastair. Mababanaag sa kaniyang mata ang matinding pag-aalala.
Tinitigan ko ang malaking pintong nasa harapan namin na waring tagos kong nakikita doon ang presidente. Hindi ko alam pero may kung anong urge sa loob ko na gustong pumasok upang kamustahin ito.
"Tara, magsimula na lang tayo sa trabaho natin.." Mr. Alastair tried to dismiss the issue to catch my drifting thoughts.
Muling nabalik sa kaniya ang atensyon ko kaya't binigyan ako nito ng payat na ngiti. Hindi na ako nang-usisa pa dahil wala rin naman akong magagawa kaya tipid na lamang akong tumango.
Lumipas ang isang oras ngunit hindi pa rin ako makampante. Hindi ko mapigilan ang sulyapan nang ilang beses ang pintuan na nasa harap namin. May kakaiba talaga ngayong araw, dahil inaasahan kong magpapatimpla ng kape ang presidente gaya nang madalas nitong iutos tuwing umaga, at nais ko sanang mag-boluntaryo na gawin iyon upang lamang makapasok sa loob at makita ang kalagayan niya. Ngunit sa buong umaga na iyon ay wala kaming natanggap na tawag mula sa intercom.
I could sense that there's something wrong going on, this is not President Leigh's usual self. Kahit naman na bihira kong makasama ang presidente unlike Mr. Alastair did ay masasabi kong nakikilala ko na kahit papaano ito. Dahil nang lakas loob akong tumawag sa kaniya sa intercom kanina para sabihing may meeting siya with Mr. Ammad ay pina-cancel niya lang iyon at pina-reschedule lahat nang merong appointment meeting siya ngayong araw.
"I guess Miss President wanted to skip lunch today."
Napalingon ako kay Mr. Alastair nang magsalita ito.
"Hindi siya kakain ngayon?"
Marahan nitong iniling ang ulo. "I just called the cafeteria, hindi pa daw tumatawag sa kanila ang presidente upang ipaakyat ang lunch nito," pag-imporma sa akin ni Mr. Alastair.
Dahil sa sinabi nito ay muling nabaling ang mga mata ko sa pintuan ng opisina ni President Leigh. Sa lumipas na segundo ay isang ideya ang pumasok sa isip ko.
"Let's go to the cafeteria, samahan na natin doon sina Mr. Brooke. I'll just inform Miss President na mauuna na tayong mag-lunch.."
Hindi ko pinakinggan ang sinasabi ni Mr. Alastair at dinampot lamang ang telephone na nasa kaniyang desk and dial some numbers.
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...