Chapter 34

1.1K 42 1
                                    

"Okaerinasai, daitōryō-san." [Welcome back, Miss President.]

Bahagyang ikinagulat ko nang salubungin kami nang isang matangkad na lalaki pagkalabas namin ni President Leigh ng departure area. Naka-pormadong black suit ito at tantya ko ay ka-edaran lang namin siya ni President Leigh. Halata ang dugong hapones nito dahil mas lalo siyang pina-gwapo ng mga singkit niyang mata. May kasama pa siyang tatlo pang lalaki sa kaniyang likuran na kapareho niya rin ng postura.

Lahat sila ay buong lugod na yumuko sa harapan namin. Nang mag-angat na ng katawan ang lalaki at magtama ang aming mga tingin ay inilahad nito ang kaniyang palad sa harapan ko.

"Nihon e yōkoso, Arukesha-san. Watashi wa Ichi-sama no shitsuji, Heki desu.." he formally greeted.

[Welcome to Japan, Miss Arkesha. I am Master Ichi's butler, Heki.]

Hindi ko gaanong naiintindihan ang sinabi nito ngunit ikinabigla ko nang marinig ang sariling pangalan. Pinatili ko na lamang pormal ang sarili at tinanggap ang nakalahad nitong kamay.

"Uhm, Nice meeting you.." tipid kong tugon.

Matapos niyon ay nilingon ko ang katabing presidente, nagtatanong ang tingin dito.

"I have already informed Ichi-san about you," she stated, "He's Secretary Heki, the personal butler of Ichi-san."

Sandali kong ginawaran ng ngiti ang kaharap naming lalaki bago muling bumaling sa katabi.

"Nakakapagsalita ba sila ng English?" pasimple kong bulong.

A teasing smile flashed on President Leigh's lips. "Don't worry, I'm not your president while we're here, I am your translator."

Hindi maipinta ang reaksyon ko sa tinuran nito, she then softly chuckled in response.

"Watashi ni shitagatte kudasai."

Pagkasabi nun ni Secretary Heki ay nauna siyang maglakad sa amin. Awtomatikong napatingin ako kay President Leigh nang magsalita ito.

"Let's go.."

Ang dalawang bodyguard ay pinauna kami sa pagsunod kay Secretary Heki bago sumunod sa likuran namin.

Pagkalabas namin ng airport ay sinalubong kami ng isang itim na sasakyan. Di pa man kami nakakalapit ay pinagbuksan na kami ng pinto ng kotse ng isa pang bodyguard at magalang na yumukod pagkasakay namin.

Tantya ko ay inabot nang dalawang oras ang biyahe. Hindi ko alam kung saang lupalop na ba kami ng Japan, basta't ang masasabi ko lang ay mukhang wala na kami sa Tokyo.

Pagkapasok namin sa isang mataas na wooden gate ay halos gustong malaglag ng panga ko sa sobrang pagkamangha. Para kaming nag-time travel sa sinaunang panahon. Mga naka-kimono karamihan ang mga katulong at hardinero. Nakakatuwa rin yung mga istruktura na nadadaanan namin, lahat ay wooden structure.

Tumigil ang sinasakyan namin sa tapat ng isang malaking bahay. Halos walang pagsidlan ang pagkamangha ko nang pagkababas namin ay mas lalo kong nakita ang kabuuang ganda ng lugar.

Halos nahuli pa ako sa pagsunod dahil tuloy-tuloy lang sila sa pagpasok sa loob. Pati ang mga muwebles na nadadaanan namin ay hinangaan ko rin kahit na makaluma na ang mga gamit. Even the rooms we pass through are still made out of woods. Halos wala kang makikitang moderno sa pamamahay na ito, gan'on pa man nakakabilib ang ganda ng lugar.

Sa tuwing may nakakasalubong kaming mga katulong ay magalang silang yumuyuko hanggang sa makalagpas kami. Tuloy-tuloy lamang sina President Leigh sa paglalakad kaya ako na lang ang yumuyuko pabalik sa mga katulong. Naka-ilang liko pa kami sa mga pasilyo bago kami makarating sa tingin ko ay gitnang bahagi ng mansyon. Isang malaking hardin lang naman ito ngunit mukhang mas alagang-alaga ang parteng ito kaysa sa labas.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon