Kumunot ang aking noo nang masilaw mula sa isang matinding liwanag. Marahan kong binuksan ang aking mga mata at puting kisame ang sumalubong sa akin. I mentally cursed nang rumehistro sa akin ang amoy ng gamot at nakumpirma kong nasa hospital uli ako. I groaned in frustration.
Fuck it! Ang paghihirap ko na makalabas ng hospital ay nabalewala lahat. Napapikit ako nang mariin upang pigilan ang nagbabadyang luha ngunit ayokong panghinaan ng loob.
'Kung kinakailangan kong tumakas muli kahit na sampung beses pa ay gagawin ko mapuntahan lamang siya kung nasaang lupalop man siya ng mundo,' determinado kong bulong sa aking sarili.
Sa pagdilat ng aking mata ay natigilan ako nang makilala kung sino ang taong nakatayo sa aking harapan. Ang kaninang luhang pinipigilan ko ay tuluyan nang bumuhos. Halos hindi ko malaman kung anong dapat kong maramdaman habang nakatingin sa kaniya.
Gusto ko siyang dambain ng yakap, pugpugin ng halik, at hampasin sa balikat dahil sobra niya akong pinag-alala, ngunit natigil ako sa balak kong gawin. Napatingin ako sa braso at kamay kong magkabilaang nakatali ng strap belt sa bakal sa gilid ng kinahihigaan kong kama. Gawa sa leather ang strap belt at napaka-kapal nito.
"A-Arkesha?" nagmamakaawang pagtawag ko sa pangalan nito.
"Hush." May kung anong panganib na pakiramdam ang salitang binitiwan nito.
Kumunot ang kilay ko dahil sa inaakto nito ngayon. Pilit ko siyang binabasa ngunit wala akong makitang emosyon sa kaniya, nakatingin lamang ito nang mataman sa akin. May nararamdaman akong kaba mula sa mga titig niya, para niyang hinahalukay ang buo kong pagkatao gamit ng mga ito.
Muli akong pilit na nagpumiglas sa pagkakatali.
Hindi ko alam ngunit nagsimula nang tumulo ang mga luha. "A-Arkesha, I-I'm sorry. Please, p-please Arkesh-"
"Leigh."
Ang pag-iyak ko ay umurong, napaka-lamig nang pagbanggit niya sa aking pangalan. Gusto kong punasan ang mga luha ko na tumatakip sa aking mata, gusto kong ipakita na matatag ako, ngunit hindi ko magawa dahil nakatali ang mga kamay ko!
"Arkesha," pag-iyak ko.
Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng emosyon ang kaniyang mga mata. Labis na kalungkutan ang nababasa ko roon. I bit my lower lips because of too much guiltiness, nasasaktan akong makita siyang nagkakaganito. Napaka-gago ko kasi!
Waring pinupunit ang puso ko habang pinapanuod siyang marahang hinuhubad sa kaniyang kamay ang engagement ring. B-Bakit?
"Arkesha?" Nagtatanong ang aking tingin.
Ngunit imbes na sagutin ako ay humingi ito ng tawad.
"Ayusin natin kung anumang problema natin pero tuloy ang kasal. Arkesha, mahal na mahal kita. Bakit mo tinatanggal iyan!?" nagsimula na akong magwala.
Tinignan ako nito nang matalim. "Tingin mo ba, magpapakasal ako sa isang taong maraming tinatagong lihim sa pagkatao niya?"
Natigilan ako mula sa tinugon nito. Walang pangingilid ng luha sa kaniyang mata ngunit sobra-sobrang lungkot ang nakikita ko mula rito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nababasa ko ngayon na emosyon mula sa kaniya. Alam kong ako ang dahilan ng nararamdaman niyang lungkot.
Marahan itong humakbang palapit sa akin, sa gilid ko. Walang awat na ang pag-agos ang luha ko habang pinagmamasdan siya.
"A-Arkesha, please."
"Sshhh...."
Masuyo nitong hinaplos ang basa kong pisngi at pinunasan ang luhang naroon. Habang ginagawa niya iyon ay nararamdaman ko na may kung ano siyang sinusuksok sa kaliwa kong kamay. Imbes na pagtuunan ng pansin ang bagay na sinusuksok niya ay mariin kong hinahawakan ang kaniyang kamay, pakiramdam ko sa oras na bitawan ko ito ay hindi ko na siya muling mahahawakan pa.
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...