Chapter 32

1K 45 1
                                    

Nakangiti at masaya kong inaayos ang mga papers na nakapatong sa desk ni President Leigh. Habang wala pa siya ay nagtimpla rin ako ng kape para sa kaniya na sinigurado kong masarap. May dinikit pa ako ditong sticky note with a sweet greeting written on it.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ito.

Natigil ako sa ginagawa kong pag-aayos nang bumukas ang pinto at dumating na ang kanina ko pang hinihintay. Napatigil rin siya nang makita ang ayos ng kaniyang desk.

"Good morning, Miss President!" masigla kong pagbati.

Kunot ang noo na bumaling ito sa akin. "What's going on?"

I smiled sweetly. "Nothing. I just want to greet you."

Marahan itong lumapit sa desk nito at ang sticky note ang unang kinuha pagkalapit.

"Dahil gusto kitang kape-ling palagi~" mahina nitong basa sa nakasulat. Sunod ay gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi.

"Ang corny ah," natatawa nitong komento, "But thank you so much, Arkesha. I really appreciate this."

Tama siya, mas masarap nga sa pakiramdam ang magpangiti. "I also want to make you smile as well."

Dahil sa sinabi ay pinakatitigan ako nito nang mataman sa mata, maya-maya pa'y muling sumilay ang matamis na ngiti sa labi.

"Let's go." Bigla nitong hinila ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Date."

"H-Huh? Pero may trabaho pa tayo," alma ko ngunit hindi niya pinansin iyon.

Bago kami makalabas ng pintuan ay binitiwan na niya ang kamay ko. Pagkalabas namin ay nagpaalam si President Leigh kay Mr. Alastair na siya na muna muli ang bahala sa kompaniya. Gamit ng sasakyan ni President Leigh ay lumisan kami ng kompanya.

"Saan tayo pupunta?" muling tanong ko.

"Secret~" she teasingly said and playfully winked.

"Pero marami pa po tayong gagawin, Miss Presi-"

I almost bit my tongue as she glanced at me with a warning look.

"-I mean, Leigh.." I corrected and rolled up my eyes.

"Kahit na mawala ako nang isang araw sa kompaniya, the process and the operation will still going. For me, that's the real definition of business. That's what you call freedom."

Natutop ko na lamang ang labi, hindi ko alam kung anong sasabihin. Matapos niyon ay binuksan nito ang stereo at mas nag-focus sa pagda-drive. Inaliw ko na lamang ang sarili sa panunuod sa mga nakikita ko sa labas ng bintana.

Nang ilang sandali makalipas ay parang mas naagaw ng kanta galing sa stereo ang atensyon ko kaysa sa mga nakikita ko sa labas. Para bang biglang nagiging malinaw sa pandinig ko ang bawat lyrics ng kanta. Oh yeah, I'm so into her.

Napatingin ako kay President Leigh nang kunin niya ang kaliwang kamay kong nakapatong sa hita ko. She then entertwine our hands tightly and kissed it. Napaiwas na lang ako ng tingin upang itago ang nanginginit kong pisngi. I appreciate her gentleness.

"~I'm so into you, I can barely breathe
And all I wanna do is to fall in deep
But ain't close enough 'til we cross the line,
So name a game to play, and I'll roll a dice..."

Napatulala ako sa kaniya nang magsimula siyang kantahin ang kanta. Ito ang unang beses na narinig ko siyang kumanta at sobrang sarap sa tenga. Napakalamig ng boses niya.

Ngumiti ako sa kaniya at hinayaan ko ang sariling mapasandal sa balikat niya. Matapos ay tuluyan na akong pumikit.

Sa kabila ng sarap na nararamdaman ko ngayon ay may parte ng utak ko ang natatakot. Natatakot ako dahil tuluyan na akong nilalamon ng magandang panaginip na ito. Natatakot ako na ang kapalit pala nang lahat ng ito ay isang masamang bangungot. Gano'n pa man, alam ko sa sariling wala akong pagsisihan sa desisyon kong ito sa huli.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon