Kinabukasan ay maaga akong gumising upang makapagluto. Balak ko kasing magbaon ng magiging tanghalian namin mamaya ni President Leigh. Ang gusto ko sana, kahit paunti-unti dapat ay matuto siyang kumain ng gulay.
Balak kong magluto ng Curry, ito ang specialty ko eh. Hilig ko na noon pa man ang magluto, iyon ang nagustuhan sa akin ni Lyle dati - dati n'ong mga panahong maayos pa ang lahat.
Nakikipag-sabayan ako nang pagiging pasaway sa mga lalaki noong highschool. Only child kaya spoiled at napa-barkada pa na mostly ay mga lalaki rin.
Nang tumuntong ako ng college ay mas lalo akong lumala. Nang regaluhan pa ako ni papa ng sports car nung graduation ko ay naging bisyo ko ang drag racing pero kailan man ay hindi ako nahuli, lagi akong nakakatakas at nakakalusot sa mga pulis. Dahil doon ay naging irregular student ako seond year pa lang dahil sa dami ng absences ko at cutting classes. Pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Lyle - nang maging partner kami sa isang project sa Statistics.
Noong una wala naman kaming kung anumang espesyal na nararamdaman sa isa't-isa. Sa katunayan pa nga ay dahil parang nawawalan na ako ng interes sa pag-aaral ay ako yung tipong kinakainisan sa grupo na tinatawag na 'rider'. Halos si Lyle lang ang gumawa ng lahat sa project namin na 'yon. Pero sobrang bait pa rin niya noon dahil nagulat na lang ako sa huli na may grade ako, hindi niya ako sinumbong sa propesor dahil sa pagiging pabaya ko. Inaasahan ko kasing uulitin ko uli ang subject na Statistics.
Nang dumating ang pangalawang semester ay kinuha ko ang lahat ng schedule ni Lyle, pinilit kong lahat ng klase niya ay klase ko rin. Ang nasa isip ko ay kung sa kanya ako didikit, makaka-graduate ako kahit hindi nag-aaral. Sa madaling salita ay gusto kong gamitin ang kabaitan niya, kaya't siya pa ang pinili kong seatmate sa lahat ng subject para kumopya at siya ang pinipilit kong maging partner sa lahat ng projects.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanya ngunit hindi niya nagawang magalit sa akin. Sa halip, nagawa pa ako nitong i-tutor paminsan-minsan. Siya ang humihila sa akin papuntang library madalas, dahil doon ay lagi ko siyang nakakasama. Gusto daw niya kasi akong tulungan sa abot ng makakaya niya pero binalewala ko lang lahat ng sinabi niya noong una.
Hanggang sa hindi ko na namamalayan na mas gusto ko na palang pumasok at makasama siya kaysa sa mga kaibigan ko. Ang dati kong kinaiinisan na library ay naging tambayan namin araw-araw. Nagsimula na rin ako magbago ng sarili at naging masipag sa pag-aaral.
Kung noon ay kumukopya ako sa kanya, ngayon ay nakikipag-kompetensya na ako sa kaniya sa pataasan ng score sa quizzes at exams. At doon ko nasabing iba na 'to - itong nararamdaman ko kay Lyle.
Nakakahiya man ngunit ako ang naglakas-loob ako umamin noon sa kanya, ngumiti lamang siya nun. Hindi niya sinabi kong gusto niya rin ba ako ngunit hindi rin naman niya ni-reject ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya nang mismong araw na iyon ay ako ang nag-inist na kami na kahit na walang ligawang nangyari.
Naging masaya at tumagal ang relasyon namin ni Lyle. May kaunting tampuhan pero wala 'yon, dahil mahal ko siya - mahal na mahal ko si Lyle. Isang taon pa lang kami nun ngunit waring ang tagal na nang relasyon naming. Naging sobrang open namin sa isa't-isa, kahit sa mga pamilya namin, kilala na niya buong pamilya ko at ganun din ako sa kanya. Botong-boto pa nga sa kaniya si papa noon.
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomansaPamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...