Chapter 28

1K 46 2
                                    

"Wow, ang ganda-ganda mo po mama.." puri sa akin ng anak ko. Waring kumikinang pa ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

"Naku, bolero ang anak ko.." natatawang tugon ko.

Hinagod ko ng tingin ang sarili sa full length mirror. I am wearing an emerald green off-shoulder cocktail dress na medyo hapit sa katawan. Mahaba ang slit nito sa gilid na kalahati lang ng hita ko ang natatakpan.

Hmm. I wonder kung ano kayang suot ni President Leigh? For sure, she looks stunning as well.

Ngayong gabi ang launching ng newest car model ng Faulkerson. Actually, it was the same model ng sasakyan na binigay sa akin ni President Leigh noong nakaraan.

"No, mama, you're really beautiful po."

Napangiti naman ako sa anak ko dahil sa komento nito. "Talaga ba? Baka mas maganda yung crush mo kaysa sa akin ah," birong wika ko.

"Syempre mas maganda pa rin po kayo mama kaysa kay Ishin."

Sandaling natigilan ako at napalingon sa anak ko dahil sa sinambit nitong pangalan.

"Opps.." Nang mapagtanto ang ginawa ay agad nitong tinakpan ang bibig.

"Crush mo si Ishin?"

Umiling-iling naman si Noah bilang tugon habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa bibig.

"Noah?" nagbabantang tawag ko rito upang mapaamin.

At dahil mukhang natakot ko ang bata kaya nagmadali na itong umakyat sa kwarto niya.

Natatawa na lang akong napailing.

"Can I come?" ani Lyle na tumayo sa likod ko.

Bumuntong hininga ako nang malalim bago ito hinarap. "For the nth time, Lyle, no."

"But I want to come as well," muli itong nangulit.

N'ong nakaraan pa ito nagpipilit sumama nang malaman ang tungkol sa launching.

"Lyle, you can't come. Walang magbabantay kay Noah dito," mabagal kong bigkas upang ipaintindi ang sarili.

But he stays persistent. "Ikaw na lang ang magpaiwan dito. I'm sure Leigh will understand."

"Hindi pwede. Secretary ako ni President Leigh kaya kailangan nandoon ako," nauubos nang pasensyang paliwanag ko.

He was about to say something but I cut him off.

"I gotta go. Take care of Noah. Ikaw nang bahala dito sa bahay. Male-late ako ng uwi," paalam ko na lamang at nagmamadaling umalis dahil nakukulitan na ako kay Lyle.

Lulan ng sasakyan ay sa F&R Tower muna ako dumeretso. Nang makalapag ang elevator sa 14th floor ay si Mr.Alastair ang bumungad sa akin, nakatayo ito sa may tapat ng pintuan ng condo ni President Leigh. He's also become extra handsome now wearing a black American tuxedo.

Mr.Alastair scanned me from head to foot with amusement on her eyes. "You're beautiful tonight, Ms.Arkesha," puri nito.

Ngumiti lamang ako dito bilang tugon at pinuri din ito.

I was about to ask something when the door behind us opened. Iniluwa nun ang presidente namin na kumikinang sa ganda dahil sa suot na silvery white boat neck long sleeve dress. Balot na balot ito sa suot, tinatago ang mga peklat sa katawan. Ngunit angat pa rin ang natural na ganda.

We then headed to the venue. It's half an hour driving from the town.

Pagkarating namin doon ay puno ng media personnel ang entrance ng function hall, at kaniya-kaniyang flash ng camera ang sumalubong kay President Leigh nang makababa ito ng sasakyan.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon