Chapter 4

1.4K 55 1
                                    

"Simple lang naman ang mga gagawin, Ms. Arkesha," pagsisimula ni Mr. Alastair sa pagpapaliwanag ng duties and responsibilities ng isang secretary, "Ayusin ang schedules ni Miss President. Mag-encode ng mga data at files na ipapasa sayo, tumanggap ng tawag, and also perform other necessary duties na iuutos sayo."

"Okay po.." mayumi akong tumango, pinapakinggan at tinatandaan lahat ng bilin niya.

Nagpatuloy si Mr. Alastair sa pagte-training sa akin. Isa-isa naming pinuntahan ang mga departments sa bawat floor ng kompanya para malaman ko daw ang mga dapat kong puntahan kung may kailangan ako.

"Say hello, everyone!" Pagtawag ni Mr. Alastair sa atensyon ng lahat ng staff nang makarating kami sa 14th floor. "This is Ms. Arkesha, who will start training today as Miss President's secretary."

"A new secretary?" Napatingin kaming lahat sa  lalaki na may malaking pangangatawan at mukhang may lahing Amerikano nang magsalita ito, his desk is located at the corner of the office. "Hindi na ba ikaw ang magiging secretary ni Miss President?" usisa nito sa katabi ko.

Bahagyang ikinamangha ko na fluent ito sa wikang Filipino. Mukhang dito siya lumaki sa Pilipinas.

Bilang tugon ay nakangiti namang umiling lamang si Mr. Alastair. "The chairman instructed Miss President to look for another secretary that could help her, especially that the empire is continuously growing.." he thoroughly explained.

"Hello sa inyo. Magandang araw po!" masigla kong pagbati sa lahat matapos niyon.

"Ms. Arkesha, iyon si Mr. Brooke. Siya ang ating General Manager, one of the executives.." pagpapakilala ni Mr. Alastair sa lalaking nagsalita kanina. Magiliw naman itong ngumiti sa akin at sumaludo pa.

"Iyon naman si Young, tapos si Ms. Boa, at si Frances.. they are his subordinates," patuloy na pagpapakilala ni Mr. Alastair habang isa-isa silang tinuturo. Lahat sila ay ngumiti sa akin maliban kay Ms. Boa na pag-irap ang bati.

But I didn't mind it and just beamed in excitement. "Nice to meet you all!"

"Having some fresh blood around this part is already changing the atmosphere here," tuwang-tuwang anas ni Mr. Brooke.

"I graduated from a famous university abroad, Ms. Arkesha, kaya baka mailang ka sa akin, but don't worry we are all kind here," ngiting-ngiting wika ni Young. Di ko ikakailang parang artistahin ang kagwapuhan nito at tantya ko ay di nalalayo ang edad nito sa akin.

"Kaya kapag may mga bagay kang nahihirapan, wag ka sana mag-hesitate na lumapit sa isa sa amin. You can just approach us, okay?" the cute girl with curly brown hair beside him said in addition.

Hindi ko alam kung natural bang gan'on ang buhok niya, but she was smiling at me encouragingly that made me feel warm inside - actually, they all made me feel accepted. I wonder kung alam ba nila kung saan ako nanggaling, sana di nila ako i-judge.

"Gagawin ko po," nakangiti ko ring tugon, "Alam ko po na marami pa po akong dapat matutunan kaya tulungan niyo po sana ako," I cheerfully said.

"Kung marami ka pa palang hindi alam, you should take care of that yourself. Bakit ka hihingi ng tulong sa amin? This is a place for professionals only and not some kind of study group," mataray na pahayag ni Ms. Boa.

Naningkit ang mga mata ko dito dahil doon. One thing I noticed about her is her pale complexity underneath her make-up, though it suits her well along with her wavy hair. She's really beautiful indeed, but my smile faded because of her nasty attitude towards me.

What's with her?

"Wag ka naman maging harsh, Ms. Boa, bago pa lang siya.." nakangiti na lang na turan ni Frances.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon