Today is my third day as a training secretary of Miss President.
So far, nakukuha ko na kung paano gawin ang trabaho kahit papaano sa tulong ni Mr. Alastair. Nai-enjoy ko na rin ito dahil sa kakulitan nina Young. Pero hindi ko pa rin naman kinakalimutan ang pinanggalingan ko kaya mamaya ay kina Marj ako makikisabay ng lunch.
Pagbukas ng pinto ng elevator ay bahagya kong ikinabigla na makita sa loob si Ms. Boa, hindi ko inaasahan na makakasabayan ko ito. Unang kita pa lang niya sa akin ay inismidan na niya ako, hindi ko man alam kung saan siya humugot ng pagkainis sa akin ay nginitian ko na lang ito at binati pa rin nang magandang umaga. Inirapan niya lang ako pagkatapos nun, kaya't tahimik na pumasok na lang ako ngunit tiniyak ko ang distansya sa pagitan namin dahil baka bigwasan na niya ako.
Dumaan na ang ilang palapag pero sobrang tahimik ng buong apat na sulok ng elevator. Mahaba-haba pa ang biyahe nito paakyat. Merong mga pailan-ilan na pumapasok pero bumababa rin agad. Itinuon ko na lamang ang atensyon sa digital floor detector habang nagbibilang sa isip kung ilang minuto na ba kaming nandito.
Upang punan ang awkward atmosphere sa loob ay napanuod ko mula sa sulok ng aking mata ang paghugot ni Ms. Boa ng foundation sa bag niya upang mag-retouc. At sa higit dalawang minuto namin sa loob ng elevator ay hindi man lang ako nito inimikan. Pagka-akyat namin sa 14th floor ay nauna itong lumabas na walang lingon likod na parang wala siyang kasama. Napabuga na lamang ako ng hangin.
Pagdating ko sa desk namin ni Mr.Alastair ay naabutan ko itong abala na agad sa kung anong tinatipa sa keyboard niya.
"Good morning po," pagbati ko rito upang agawin ang pansin.
Mula sa monitor ay nag-angat ang tingin nito sa akin. "Magandang umaga rin, Ms.Arkesha. Ang aga natin ah," nakangiti niyang salubong sa akin.
"Napaaga lang po ng gising," nakangiwi kong tugon. Na-late kasi ako kahapon though hindi naman ako nito pinagalitan, kaya sinadya kong agahan na lang ngayon dahil baka ma-quota na ako.
Inilapag ko muna ang bag sa desk ko bago muling bumaling kay Mr. Alastair nang may maalala ako. "Nga po pala, pwede po ba akong magpaalam?"
Sandali naman nitong tinigil ang ginagawa upang ibigay ang buong atensyon sa akin."Hmm. Tungkol saan?" usisa ni Mr. Alastair.
"Kung ayos lang po sanang mauna akong mag-lunch mamaya. Sasabay po kasi sana ako sa lunch break ng mga kaibigan ko sa maintenance department mamaya?" hingi ko ng permiso.
"Gan'on ba? Walang problema.." nakangiting pahayag nito."Ako na bahalang magpaliwanag kay President Leigh pag hinanap ka niya." Kahit kailan talaga parang hindi nauubusan ng ngiti 'tong si Mr.Alastair.
Sinuklian ko naman ito nang matamis na ngiti. "Salamat po ng marami!"
"Wala iyon.."
Mula sa aking kinauupuan ay nasilip ko ang kaniyang monitor. "Ano po pala iyang pinagkaka-abalahan niyo?" usisa ko.
"Oo nga pala, halika. May ipapagawa ako sayo," pagtawag nito sa akin. Agad naman akong tumalima at lumapit. "Tulungan mo sana akong mag-encode ng data, medyo marami kasi eh."
"Iyan po ba yung data na kailangan ni Miss President para sa meeting niya ngayong umaga?" dagdag kong tanong.
Tipid na tumango sa akin si Mr. Alastair bilang tugon.
Lumipas ang ilang oras na nararamdaman ko na ang stress bilang secretary, puro pag-encode ng data ang ginawa ko. At ako ang sumama kay President Leigh bandang alas-nuebe para sa board meeting nito sa session hall. Mabuti na lamang ay nakabalik kami agad, dahil pagpatak ng alas-onse pasado ay nakatanggap ako ng text message galing kay Marj, nagtatanong kung tapos na daw ba ako sa ginagawa ko. Hindi na ako nag-abalang mag-reply pa at nagpaalam na lang ako kay Mr.Alastair, nagpaalam rin ako kina Mr.Brooke nang mapadaan ako sa department nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/151542164-288-k691293.jpg)
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...