Chapter 63

619 25 2
                                    

"Let's rescue Leigh first," determinadong wika ni Arkesha.

"No. Eva is waiting for us," pagkontra naman ni Heloise.

"We can't rescue Ate Eva kung wala si Leigh."

"Miss President would be fine. How about Eva, alam na ba natin kung nasaan siya? Is she okay or....is s-she's dead?"

"That's it, hindi natin alam kung nasaan si Ate Eva. Mas mahuhuli lang tayo," katwiran ni Arkesha.

"Mas mahuhuli tayo kung susundan natin kung saan nila dinala si Miss President. It's much more risky. Kita mo naman kung gaano karaming bantay ang nakapalibot sa kaniya kanina."

Halos magsukatan ng tingin sina Arkesha at Heloise. Parehas gustong masunod. Parehas ayaw magpatalo. Parehas na gustong iligtas ang mga minamahal.

"I'm going to rescue, Leigh, all alone," mariing ani Arkesha.

"All by myself, I'm going to rescue, Eva," determinadong wika naman ni Heloise.

Arkesha's face softened.

"Please, be careful," she whisper.

"Yes. I will, Miss Arkesha." Heloise flash a smile.

Arkesha nodded and hug Heloise, the latter returned it tighter. As they bid they're goodbyes, Heloise and Arkesha separate their ways.

****

May buong pag-iingat ang ginagawang paglalakad ni Arkesha habang nililibot ang buong lugar. Bahagya siyang napatago bigla nang may dumaan na tatlong mga nakasuot ng itim na coat na mga lalaki. Napag-aralan na niya ang mga ito, ang mga lalaking naka-yukata ay mga bantay na armado ng katana na naka-sukbit sa kanilang bewang, ang mga lalaking mukhang men in black ay mga bantay din na armado naman ng mga baril. Hindi niya tantyado kung ilan ba ang mga bantay sa buong mansyon.

Nang makalayo nang kaunti ang tatlong bantay ay saka lumabas si Arkesha sa pinagtataguan at nagpatuloy sa paglalakad nito. Hangga't maaari ay ayaw niyang makagawa ng anumang ingay o gulo na maaring maka-agaw ng pansin. Hindi niya alam ang gagawin kapag sumugod ang mga ito sa kaniya. Wala siyang ideya sa pakikipaglaban, kahit na sinasabi nina Heloise na may kaalaman siya.

Sobrang lawak ng mansyon na halos hindi na siya pamilyar sa ilang mga nadadaanan niya. Ang daming mga pasilyo na mas lalong nagpadagdag sa pagkalito niya at paghihirap na makita si Leigh. Wala rin siyang idea kung nasaang parte na ba siya ng mansyon o kung kamusta man si Heloise ngayon, ngunit dalangin niya ay makita nito si Eva at dalawa silang mailigtas kasama si Leigh.

Biglang humigpit ang pagkakahawak ni Arkesha sa katana at muling napatago nang matanaw si Secretary Heki na lumabas mula sa isang pasilyo. Napakunot ang kaniyang noo habang sinusundan ito ng tingin, inaayos nito ang butones ng gusot na coat na kakasuot lang. Walang ideya si Arkesha kung saan ito nanggaling ngunit wari itong naliligo sa pawis at napakabilis ng paglalakad na parang may hinahabol na oras.

Nais sana ni Arkesha na sumunod baka dalhin siya nito sa kinalulugaran ni Leigh ngunit mas matindi ang kuryosidad nito sa kung anong meron sa pasilyong pinanggalingan ni Secretary Heki.

Nang tuluyang mawala sa kaniyang paningin si Secretary Heki ay saka muling lumabas si Arkesha sa kaniyang pinagtataguan. Palingon-lingon ito sa kaniyang likod upang tignan kung meron bang tao sa paligid.

Pagdating nito sa entrada ng pasilyong pinanggalingan ni Secretary Heki ay mahabang pasilyo ang bumungad sa kaniya ngunit may natatanawan siyang pintuan sa dulo. Kulay kahel na ang buong pasilyo dahil sa sinag ng papalubog na araw na tumatagos mula sa bintana. Maliwanag pa ang buong paligid ngunit may kilabot na hatid sa kaniya ang pamilyar na hiyaw na kaniyang naririnig mula sa pintuan sa dulong bahagi ng pasilyo.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon