Chapter 37

952 46 4
                                    

"~Maru, take, ebisu ni, osi, oike, ane, san, rokkaku, tako, nishiki, shi, aya, butsui, taka, matsu, mann, gojo, setta, chara-chara, uo-no-tana, rokujo, sanntetu, torisugi, sichiko, koereba, hachi, kujo, jujo, toji de todomesasu...."

Hindi ko mapigilang hindi alisin ang mga mata sa cute na batang babae na kumakanta. Naka-suot ito ng pink na kimono habang naglalaro ng bola sa ilalim ng isang cherry blossom tree. Nakakatuwa siyang panuorin.

"The song is called Kyoto Toori na Kazoe-uta."

Napalingon ako bigla kay President Leigh nang bigla itong sumulpot sa tabi ko.

"It's a counting song. The song is symbolizing the streets of Kyoto. The song is made for the children of Kyoto for them to be familiarized on all of the streets of Kyoto. And it is now popular to all residents of Kyoto," she added.

"Kyoto song?"

"She's from Kyoto." Tukoy niya doon sa cute na batang babae.

"Ang ganda nung kanta," komento ko na lang.

"But she is more beautiful."

"Yeah, she will definitely grow as a bold but beautiful woman like you," I smiledly added.

"I want to have a daughter like her." Mula doon sa batang babae ay lumipat ang tingin sa akin ni President Leigh. "Let's make one. I want to bear a child from you."

"Baliw ka." Napatawa ako. "Kahit anong gawa natin ay wala namang mabubuo sayo."

"Through modern technology, everything is possible."

Saglit akong natigilan dahil napaka-positibo niya habang sinasabi iyon.

"I'm sorry. I can't give you a normal family like what you wanted," malungkot kong wika.

She held my chin up to face, at upang magsalubong ang aming mga mata. "Yeah, I may be wish to have a child like her. But I just don't want a normal family. I wanted a happy life with you, my love. You are enough to make my life completely happy."

Gusto kong mapangiti sa sinabi ng magandang babaeng kaharap ko ngayon pero ayaw kong masiyadong lumaki ang ulo nito at sabihin na namang kilig na kilig ako sa kaniya.

"Ang korni mo na naman. Tara na nga," natatawang pag-aaya ko na lang.

"Gagawa na tayo?" excited niyang tanong.

Huh?

I mentally face palm.

"Tara na kako at pumunta na tayo sa airport," saad ko.

"Tapos sa eroplano tayo gagawa?"

Halos gusto kong batukan si President Leigh. Kung ano-ano kasing pinag-iisip.

"Ewan ko sayo. Ang kulit mo. Baka mahuli pa tayo sa flight natin at mapa-extend ang bakasyon natin dito."

Ngumiti ito. "Iyon nga ang gusto ko eh. Dito na lang tayo. Wag na tayong bumalik."

Malungkot ko siyang tinignan.

"Gustuhin ko man iyon pero alam kong alam mo na hindi maaari. May kompaniya kang naiwan at may pamilya akong naiwan."

Nahuli ko ang pagsilay ng lungkot rin sa mga mata ni President Leigh ngunit hindi niya hinayaan na mabalot kami ng kalungkutan sa pag-alis namin dito sa Japan.

"Ang drama mo naman." Ngumisi na lang ito.

Inirapan ko siya dahil doon.

****

Bago kami ihatid ni Secretary Heki sa airport ay nagpaalam kami kay Ichi-san. Ang dami niyang pinabaon sa amin na kung ano-ano. Niyakap niya si President Leigh bago kami tuluyang sumakay sa kotse paalis at hindi ko inaasahan nang yakapin rin ako ni Ichi-san nang mahigpit.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon