Leigh's POVs
"Why do you always keep following me!?"
Nagitla ako dahil sa ginawang pagbulyaw sa akin ni Arkesha. My body froze and my tounge got stuck yet I can't help but to smile, she's still beautiful even she's upset. She rolled her eyes at me, mukhang mas lalo niyang ikinainis ang pagngiti ko.
Tatlong araw na ako dito sa mansion nila at wala akong ginawa kundi ang suyuin ang mahal kong hindi raw ako maalala.
"Because, I love you." I smiled sweetly. "Follow what you love daw kasi-- ayy do what you love yata iyon. Basta gan'on, mahal kita."
Kumunot ang noo nito dahil sa tinugon ko at napapailing na parang di makapaniwala sa mga sinasabi ko. Sa kabila nang hindi magandang pag-trato nito sa akin ay hindi ko maiwasan ang hangaan ang kagandahan niya na nasisinagan ng araw. Mas lalo niyang pinapaganda ang green house nila kung nasaan kami ngayon.
"Stop pestering me, I don't even know who you are," she said with a greeted teeth.
"Edih magpapakilala ako," I positively answer.
"Ayaw kitang makilala," pagsusuplada nito.
Ngumisi ako. "Gusto ko magpakilala."
"I'm not interested."
"Ayiee aminin mo na lang kasi na hindi mo naman talaga ako nakalimutan eh. I'm your love, right?" I winked.
Tumirik ang mata nito sa pag-irap. "Ewan ko sayo."
Pilit nitong iniiwas ang mukha ngunit makulit ko siyang sinisilip.
"Ang cute-cute mo po, my love." Hindi ko mapigilang mapatawa dahil hindi maipinta ang mukha nito.
"Whatever," she hissed, "Just stop following me."
Alam kong banas na banas na siya dahil sa pangungulit ko, it isn't my nature to act this way though, ngunit ito lang ang nakikita kong paraan para bumalik siya sa akin. Ang tagal kong hinintay ang araw na magkita kami, kaya't hindi ako basta susuko.
Binalak nitong talikuran at layasan ako ngunit hinabol ko siya. Ang laki nang paghakbang niya na halos tumatakbo na siya sa sobrang bilis niya maglakad. Hindi man ganoon kahaba ang biyas ko, mabuti na lang ay nakakahabol ako sa kaniya. Nakakahingal nga lang.
"Saan ka pupunta? Sasama ako. Wag mo naman ako taguan uli, oh. Kahit gaano kalaki itong mansyon niyo hahanapin kita sa bawat sulok." Makulit kong pagsunod sa kaniya. "Kukuha na ba ako lubid? Malapit na talaga kasi kitang itali sa akin para hindi ka napapagod kaka-iwas at hindi rin ako napapagod kakasunod."
Mas lalong binilisan ni Arkesha ang paglalakad na ginaya ko naman. Patuloy ako nitong hindi pinapansin.
"Ang choosy mo po, ayaw mo ba maganda na ang naghahabol sayo." Napatawa ako sa aking isip dahil sa mga sinasabi ko ngayon. Ang conceited ko. "Willing naman akong magkwento at ipaalala sayo ang lahat kung hindi mo talaga ako matandaan, pero mas gusto ko 'yong aaminin mo na lang na ako pa rin ang mahal mo. Dali na, wag ka na mahiya, my love. I miss hearing those words from yo-"
Kung pader lang si Arkesha ay nagka-bukol na siguro ako sa noo dahil sa pagkabunggo ko sa kaniyang likod nang pabigla-bigla siyang huminto. Marahas itong humarap sa akin at napa-atras ako nang isang hakbang nang balingan ako nito nang masamang tingin.
Frustrated niyang inihilamos ang mukha at napabuga nang sobrang bigat na hininga. "Do I really have to say na layuan mo na ako para lang tigilan mo ako!?"
"Arkesh-"
"Leigh, please stop! Gusto na kitang kalimutan, pakiusap lang lubayan mo na ako," madiin nitong saad, "Sana nga talaga tuluyan na lang akong nagka-amnesia dahil Leigh ayoko na! Ayoko nang maalala ka. Hindi ko na kakayanin pa anumang rebelasyon na malalaman ko diyan sa magulo mong pagkatao!"
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
Roman d'amourPamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...