Chapter 22

1K 35 2
                                    

Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili sa harap ng salamin nang tumayo si Lyle sa gilid ko. Mataman ako nitong tinitigan kaya't nakaramdam agad ako nang pagkailang.

"Bakit?" tanong ko na lamang.

"I'm going with you."

I confusingly glanced at him because of what he said.

"Sasama ako sayo papunta sa trabaho mo," dagdag pa nito.

"May pasok ka diba?" nagtatakang usisa ko.

"I need to talk with Leigh.." he firmly stated.

Pero....

"My boss is a busy person, Lyle. Kahit na magkakilala pa kayo, everyone needs to set an appointment to meet with her.." I explained carefully.

But Lyle even held my hand tightly and looked at my eyes with such intensity. "Please...Arkesha," he sincerely pleaded. I can sense, something in him that is eager to come with me.

Tinignan ko siya direkta sa mga mata nito upang humanap ng sagot. Ngunit halos wala akong mabasa mula sa kaniya sa dami ng emosyon na ipinapakita ng kaniyang mata. Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang. Sana lang talaga ay hindi ako masita.

Bago kami pumunta sa Faulkerson company ay hinatid muna namin si Noah sa school nito. Ako ang driver habang nasa tabi ko si Lyle.

Sa buong biyahe ay pasimple ko siyang sinusulyapan paminsan-minsan ngunit malayo ang tanaw nito mula sa labas ng bintana. Nahuhuli ko din ang panaka-nakang pagsilay ng ngiti nito sa kaniyang labi. Hindi ko mapigilang mapaisip sa kakaibang ikinikilos nito ngayon.

Nang makarating kami sa company ay pina-log in na lang si Lyle ng guard sa visitor's logbook at malayang pinapasok na ito kasama ko. Panakaw-nakaw pa rin akong sumisilip kay Lyle habang paakyat kami sa 14th floor sakay ng elevator. Sobrang tahimik niya. Hindi ko tuloy matukoy kung anong iniisip niya.

"Beautiful morning, Ms. Arkesh-" salubong na pagbati sa akin ni Mr.Alastair ngunit agad nitong napansin ang kasama ko. "Who is he?" he asked.

"Uhm, he's a college friend of Miss President, Lyle Sebastian.." I stated, unsure how I will introduce Lyle, "Nandyan na ba siya? Gusto kasi daw niyang makausap ito," ani ko na lamang.

Sandaling sinipat ng tingin ni Mr. Alastair si Lyle bago muling bumaling sa akin upang sagutin ako.

"Kakarating lang rin ni Miss President sa loob," tugon nito, "Saglit lang, tatanungin ko lang kung tatanggap ba siya ng bisita ngayong umaga."

Magiliw na ngumiti sa akin si Mr.Alastair bago nito pinindot ang intercom.

"Good morning, Miss President.." magalang na pagbati nito sa taong nasa kabilang linya.

[Yes?] tipid na tugon ng presidente. Ngunit napansin kong may kakaiba sa tono ng boses nito, ngunit hindi ko mawari kung ano.

"May dumating po kayong bisita. College friend daw po ninyo."

Nanatiling tahimik sa kabilang linya na siyang ipinagtaka ko naman.

"Lyle Sebastian.." Mr. Alastair added, carefully pronouncing Lyle's name.

Dumaan muli ang ilang segundo na wala pa ring sumasagot sa kabilang linya na maging si Mr.Alastair ay nagtaka na din.

"Miss President?" pagtawag ni Mr. Alastair sa atensyon ng taong kausap.

[I'm sorry..] President Leigh exclaimed, [Okay, let him in.]

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba but I heard a crack on her voice, like she's on the verge of crying. But maybe, it was just the poor signal of intercom. Kaya't ipinagsawalang bahala ko na lamang ang agam-agam.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon