Naalimpungatan ako ng gising na wala na si Arkesha sa tabi ko. Bahagya akong nag-panic ngunit nang agad kong mapansin ang sticky note na iniwan nito sa may bedside table ko ay kumalma ako. Nakasaad na uuwi muna siya saglit upang i-check si Noah pagkatapos kukuha nang ilang mga gamit at damit ko na kakailanganin ko pa dito. Nasilip na daw niya si baby Lightley at maganda ang nagiging improvement daw nito.
Napangiti ako.
Matapos nun ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtanaw sa bintana. Nagkakagatan na ang dilim at liwanag sa labas, halos gabi na pala. Maulap ang kalangitan—ahh hindi, makulimlim ang ulap, nagbabadya ang pag-ulan. Sana makabalik na siya agad, nami-miss ko na siya. Hmm.
Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ako nang mahinang pagkatok sa may pintuan. Ngiti ang agad kong sinalubong dahil inaasahan ko nang dumating na si Arkesha. Ang bilis naman, nasa isip ko lang siya kanina, ngayon ay nasa pintuan na siya. Ang masaya kong expectation ay mabilis naglaho nang pigura ng isang lalaking naka-patient gown din katulad ko ang pumasok. Maayos-ayos na ang itsura nito kumpara sa huling beses ko itong nakita, visible nga lang yung bandage sa kaniyang balikat na tinamaan ko ng bala nung nakaraan.
Bumalik ang tingin ko sa mukha niya nang agawin niya ang atensyon ko sa pamamagitan nang pagtikhim. Halos mag-iisang minuto yata kaming nagtitigan and I can sense an awkward atmosphere between us. Pinapanuod ko lamang siya habang nag-aalangan kung lalapit ba o hindi.
Marahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Nakakaramdam pa ako ng kirot mula sa aking sugat sa tyan ngunit tolerable naman ang sakit, nagagawa ko nang maupo mag-isa.
I motioned Lyle to come beside me to give him some courage. He didn't fail me, he's now sitting at the chair beside my bed.
"Uhm. Kamusta ka?"maya-maya'y basag niya sa katahimikan.
"Ayos lang, hindi pa nga lang makalabas nitong hospital," tugon ko at tipid na ngumiti, "Ikaw, kamusta na ang kondisyon mo?" usisa ko.
"Magaling na. Ito na ang huling araw ko dito sa labas, ipapasok na ako sa kulungan, patong-patong na kaso ang naka-atang sa akin," kaswal na sagot nito.
"Pwede kong iurong ang demanda laban sayo, you don't deserve to suffer inside jail."
Umiling ito. "No, please, don't do that. Kulang pang kabayaran ang pagkakakulong ko sa ginawa ko."
Masuyo kong hinawakan ang kamay ni Lyle na nakapatong sa tabi ko, napatingin siya rito kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak.
"I'm okay now, Lyle. Ang gusto ko ay mamuhay ka nang mapayapa at maayos. I know, you're a good person, nabulag ka lang ng pagmamahal mo sa akin." Ngumiti ako rito nang matamis. "Gusto kong matagpuan mo yung babaeng para sayo talaga, yung mamahalin ka katulad kung paano kita minahal noon," madamdamin kong wika.
Nasaksihan ko ang panimulang pangingilid ng luha ni Lyle habang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang panginginig niya upang pigilan kahit papaano ang nagbabadyang emosyon.
"I-I'm sorry, Leigh. My love, I-I didn't mean to-- Fuck, I'm really sorry for what I've done. I'm such an asshole for hurting you, y-you really don't deserve me--" iyak nito.
Tuluyan nang bumagsak ang luha niya na pilit niyang pinipigilan kanina. Hindi ito tumigil sa paghingi ng tawad na ipinagtaka ko na, hinawakan ko ang mukha nito at mariing hinarap sa akin upang mabasa siya, ngunit mas lalo lamang itong humagulhol ng iyak.
"I-I'm really sorry. I r-really do, L-Leigh. I l-love you so m-much. Sorry. S-Sorry. Sorry, m-my love. I'm sorry f-for telling Arkesha the t-truth." Halos halik-halikan ni Lyle ang buong kamay kong mahigpit niyang hawak.
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...