Chapter 54

661 29 5
                                    

"I'll go."

"No!" pigil sa akin ni Leigh.

"I'll save my son from my pathetic husband," walang emosyon na wika ko.

Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko. "I'll go with you."

"I'm sorry, Leigh, but I don't want you to come with me," ani ko.

"Arkesha," she pleaded.

"Wala tayong ideya sa kung anong tumatakbo sa utak ngayon ni Lyle. I don't want to risk your life and our baby."

"Noah is my son too, I want to save him also," determinadong saad ni Leigh.

"Leigh, please? Ayokong may mangyari pang masama sa inyo ni Lightley. Pakiusap, dito ka na lang. Pangako, iuuwi ko si Noah nang ligtas."

"I'll call the police," pagsingit ni Heloise.

"No, please. Don't do that." Pigil ko kay Heloise nang akma nitong kukunin ang kaniyang phone.

"But-"

"Kapag nalaman ni Lyle na may kasama akong iba tuluyan na niyang ilalayo sa akin ang anak and I don't want that to happen."

Napalingon ako kay Leigh nang higpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Please?" pagmamaka-awa nito.

"Understand me, Leig-"

"Understand me too, Arkesha." Tumaas ang intensidad ng tono nito. "Sumama man ako o hindi, mamamatay ako rito sa sobrang kaba at pag-aalala kung ano nang nangyari sa inyo roon. Hindi ko kakayanin na manatili dito kung alam ko na ang mag-ina ko ay nasa kapahamakan." Masuyo ako nitong pinakatitigan sa aking mata. "Pakiusap, hayaan mo akong samahan ka na harapin si Lyle."

Agad na nahabag ang damdamin ko nang makita ang mga luha ni Leigh.

"Pero-"

"Arkesha, please?" she cried.

Ang nagpupuyos kong galit kanina ay madaling natunaw. Pagkaraan nang ilang segundo ay wala akong nagawa kundi ang yakapin ito nang mahigpit at mariing hinalikan ang kaniyang noo. "Okay, were going to save Noah together."

I held Leigh's hand tightly at akmang aalis na nang pigilan kami ni Heloise. "May kukunin lang ako sa kwarto namin," paalam nito at mabilis na kumaripas ng takbo paakyat sa mga kwarto sa ikalawang palapag.

Ilang sandali makalipas ay humahangos-hangos itong inabot sa akin ang isang handgun. Nanlalaki ang matang napatingin ako kay Heloise.

"Hindi alam ni Eva na kinuha ko iyan sa cabinet niya. Pakiusap, dalhin niyo iyan."

Ilang segundo kong prinoseso sa utak ang nangyayari bago ako nahimasmasan mula sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na may baril na nakatago sa bahay na ito, pagkatapos ay hinayaan ko lang si Noah na magliwaliw dito.

"H-Hindi ako marunong gumamit ng bari-"

"You are. Eva teach you before, marahil ay hindi mo lang natatandaan." Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Isa pa, you're a Larqueza, you are born to hold guns," matalinhagang dagdag nito.

"P-Pero..."

"Miss Arkesha," pagputol nito sa sasabihin ko, "Ikaw na rin po mismo ang nagsabi, hindi natin alam kung anong tumatakbo sa isip ni Mr. Lyle kaya mabuti nang handa tayo."

Lumipas ang isang minuto na nakatingin pa rin ako sa baril na inaabot nito sa akin, ayaw kumilos ng mga kamay ko upang kunin ito

"Akin na, ako na ang hahawak." Napatingin na lamang ako kay Leigh nang inagaw niya mula sa kamay ni Heloise ang baril at agad na isinukbit sa kaniyang likuran.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon