Chapter 55

687 29 1
                                    

Third Person's POVs:

*Leigh's dream*

Tambak si Leigh ng mga gawain sa kaniyang office nang istorbohin siya ng pagkatok at pagpasok ni Secretary Alastair sa kaniyang opisina, sa sobrang pagka-busy ay hindi ito nag-abalang mag-angat ng ulo upang salubungin ito ng tingin.

"Yes, Secretary Alastair?" tanging tugon ni Leigh pagpasok ni Secretary Alastair.

Magalang na yumukod sa kaniya ang kaniyang secretary at tahimik na lumapit sa kaniyang harap.

Ilang segundo ang lumipas na walang naging imik si Secretary Alastair at doon lang tuluyang nakuha ng secretary ang atensyon ng kaniyang presidente. Mula sa tambak na mga dokumento na kaniyang binabasa ay inangat na ni Leigh ang kaniyang mga mata upang tignan ito, unang napukaw ng black folder na hawak ni Secretary Alastair ang kaniyang pansin.

"What's with that folder?" Leigh ask.

Imbes na sagutin ay marahang lumakad si Secretary Alastair hanggang makarating sa harapan nito.

Magalang na inabot ng kaniyang secretary ang hawak na folder. "This is the report of the investigator you hired."

Maingat itong kinuha ni Leigh at sinimulang basahin ang nilalaman. Larawan ng isang nakasalamin na lalaking nakasuot ng desenteng coat and necktie ang unang bumungad sa kaniya pagkabuklat ng folder. His long hair is neatly tied and his age is in middle 40's.

Napasapo si Leigh sa kaniyang ulo nang agad na makaramdam nang matinding pagkirot mula dito nang mabilis na rumagasa ang alaala ng nakaraan – araw kung kailan pinatay ang kaniyang mga magulang. Alam niyang hindi siya nagkakamali, kilala niya ang lalaking nasa larawan.

"Timothy Larqueza. The owner and CEO of Nixxon Corporation and the man....behind your parent's death," salaysay ni Secretary Alastair ng nilalaman ng folder.

Halos mahulog si Leigh sa pagkaka-upo at mapasigaw sa sobrang pagsakit ng kaniyang ulo. Pakiramdam niya ay parang pinipiga ang kaniyang utak sa loob, waring pilit na sinisiksik sa kaniyang utak ang alaala ng nakaraan na pilit niyang kinakalimutan.

Tuluyang napabagsak sa sahig si Leigh, binalak ni Secretary Alastair na tulungan ang kaniyang presidente, ngunit agad na iniharang ni Leigh ang kaniyang kamay sa harap nito upang pigilan

Ilang sandali makalipas ay hingal na hingal at pinagpapawisan si Leigh nang bahagyang kumalma. Marahan siyang bumangon mula sa pagkakasalampak sa sahig, nandidilim ang kaniyang paningin nang balingan niya si Secretary Alastair. Napalunok naman ito nang wala sa oras nang masaksihan sa labi ni Leigh ang nakakakilabot na ngiti at madilim na tingin.

"I-I will....I will k-kill him. Secretary Alastair, I will kill him too," nanginginig na saad ni Leigh. Punong-puno ng galit, sakit, at pait ang mahihimigan dito.

Leigh's POVs:

Nangunot ang noo ko nang masilaw mula sa isang matinding liwanag, marahan kong binuksan ang aking mga mata at puting kisame ang sumalubong sa akin. Kahit nanlalabo pa ang paningin ay pilit kong kinilala kung nasaang kwarto ako, at nang rumehistro na sa akin ang amoy ng gamot ay nakumpirma kong nasa hospital ako.

Hindi muna ako nag-abalang alalahanin kung anong nangyari. Unang bumungad sa aking paningin si Arkesha - mahimbing itong natutulog, nakaupo sa aking tabi habang nakasubsob ang kaniyang ulo sa dalawang brasong nakapatong sa patient bed na kinahihigaan ko.

Pinili kong hindi gumalaw upang hindi maistorbo ang kaniyang pahinga. Mataman ko lang siyang pinagmamasdan. Hanggang sa hindi ko namamalayan na inaabot ng aking kamay ang kaniyang malambot na buhok, may pag-iingat ko itong hinaplos.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon