Chapter 27

1K 41 3
                                    

"Bye bye po," Noah cutely bid his goodbye and sweetly kissed our cheeks.

"Mag-aral mabuti ah.." nakangiting habilin ko dito.

He just giggled and nodded in response. Matapos ay bumaba na ito ng sasakyan upang pumasok na sa school. Salamat sa Diyos ay gumalinh din agad ang anak ko.

"Good mood ka yata?" pansin ko kay Lyle nang kami na lang dalawa ang maiwan sa loob ng sasakyan.

Siya ngayon ang nagda-drive habang ako ay nakaupo sa driver side.

Simula nang dumating siya kahapon sa bahay ay may maganda itong aura na sumalubong sa amin - na siyang ipinagtaka ko naman.

"Just....something happened," he simply stated.

"Magkwento ka naman," nakangiting udyok ko.

But as I expected, he didn't say anything. His eyes are still fixated on the road but there is an unusual smile plastered on his lips.

Pagkarating namin ng kompanya, sinalubong ako ni Marj sa may lobby.

"Arkesha Keyshey Larqueza na ipinanganak sa barong-barong noong panahon ng kupong-kupong!" Halos tumalon sa tuwa si Marj pagkakita sa akin.

"Woah, wag naman tayo pahalatang sobra mo akong na-miss," pang-aalaska ko rito.

Dahil doon ay ngumuso si Marj at nagmukha siyang bibe na bahagyang ikinatawa ko.

"Sobrang natuwa lang ako na naabutan kita dito. Hindi na kasi kita masyadong nakikita simula n'ong galing tayo sa Batangas. Miss ka na rin ni Bree di nga lang niya pinapahalata pero miss ka na nun.." halos walang hingahang daldal nito.

"Na-miss ko na rin kayo," nakangiting tugon ko dito, "Iyon nga lang ay pasensya na at medyo naging busy rin kasi ako doon sa taas. Maraming mga pinapagawa si President Leigh," paliwanag ko.

"I'll go ahead." Naputol ang pag-uusap namin ni Marj nang magpaalam sa akin si Lyle.

Tipid akong tumango dito bilang tugon.

Hinatid ko ng tingin si Lyle hanggang sa makasakay ito ng elevator. Nang balikan ng mga mata ko si Marj ay halos maalog ang utak ko dahil sa marahas na pag-yugyog nito at may kasamang pagtili pa.

"Omo bebs, si Lyle na pala iyon? Wala ka man lang pa-notice. Kaloka ka, akala ko ay bisita ni President Leigh. Jusko bebs, kaya pala gan'on ka kagwapo ang junakis mo kasi ang lakas ng lahing pinagkuhanan mo," kinikilig na pahayag ni Marj.

Dahil doon ay saglit ko itong pinatigil dahil nahihilo ako sa ginagawa niya sa akin. "Hindi ka naman nagtatanong eh," katwiran ko.

"Kahit na.." maktol nito, "Dapat in-inform mo ako para may pa-red carpet akong nilagay dito kanina."

Bahagyang akong napangiwi dahil sa tinuran nito. "Dami mo talagang kalokohan," komento ko dito, "Uuna na rin ako at baka nand'on na si President Leigh sa taas," paalam ko na lamang.

"Saglit lang, bebs," pigil nito sa akin. Hinawakan pa ako sa braso.

"Ano na naman?"

"Pwede magpalahi sa Lyle mo? Kahit isang gabi lang, pahiram sa kaniya," biro nito.

Inirapan ko siya dahil d'on na tinawanan lang naman niya. Kinukulit pa ako ni Marj pero nilayasan ko na siya.

Pagdating ko sa executive floor ay kompleto na sina Mr. Brooke sa department nila. Nand'on na rin si Lyle katabi ng cubicle ni Ms. Boa. Ang huli ay inirapan pa ako pagkakita sa akin bago humarap sa sariling computer. Ipinagsawalang bahala ko na lamang.

Pagpasok sa opisina ay ipinagtaka kong wala pa rin ang presidente. Hindi naman ako sobrang maaga, marahil ay late ito papasok.

Nang mailapag ang bag ko sa sariling desk ay nagtungo ako sa desk ni President Leigh upang ayusin ang mga files at papers na naroon.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon