Chapter 61

679 24 1
                                    

Arkesha's POVs:

Halos matumba ako sa lakas nang pagkakasampal sa akin ni Heloise pagkakita sa akin nang maabutan namin siya rito sa airport. Hindi pa ako nakakabawi sa nangyari ay kinuwelyuhan ako nito na halos pakiramdam ko ay sinasakal ako. She lifted me up, almost tearing the collar of the blouse I am wearing, I can hear the slight rasp of material ripping. Her eyes were swearing in anger, she clenched her jaw.

"Why did you let her leave!?" sigaw ni Heloise sa buong mukha ko.

Hindi ko malaman kung paano magre-react. Pakiramdam ko ay biglang pinutol ang dila ko, tanging iling lamang ang kaya kong itugon nung mga oras na iyon.

Mabigat ang paghinga ni Heloise at matalim ang tingin nito na waring gusto ako nitong patayin, ngunit nakikita kong pilit nitong pinapakalma ang sarili.

Agad na gumitna sa aming dalawa si Leigh. "Stop it, you two," mahinahon na pakiusap ni Leigh.

Humigpit pa ang pagkaka-kwelyo sa akin ni Heloise na halos hindi ako makahinga sa paraan nang pagkakahawak nito sa akin, bago ako marahas na ibinagsak sa lupa. Halos maghabol ako sa aking hininga nang bitawan niya ako. Tumalikod si Heloise sa amin at frustrated na hinilamusan ang mukha.

"We're going with you," ani Leigh.

"Hindi na kailangan," galit na asik ni Heloise, "In the first place, hindi naman mangyayari lahat ng ito kung hindi dahil sa inyong dalawa."

"You need us," Leigh insisted.

"Ibabalik ko si Eva," determinadong sambit ni Heloise.

"You can't do that alone."

"Ibabalik ko si Eva," patuloy nitong giit.

"Alam mo ba kung nasaang sulok ng Kyoto siya ngayon?" turan ni Leigh.

Natigilan si Heloise sa sinabing iyon ni Leigh, nagawa siya nung mapag-isip.

"Hindi mo kakayaning mag-isa ang harapin ang mga tauhan ng tito ko upang mailigtas si Ms.Boa. Maniwala ka sa amin, kailangan mo kami," dagdag pa ni Leigh.

Tulala kaming nilingon ni Heloise lalo na sa akin, hindi ko mabasa ang tingin nito. Her dark aura now intimidates me, wala sa sariling napalunok ako dahil sa nararamdamang kaba mula roon.

Lumapit sa kaniya si Leigh at masuyong hinawakan siya sa balikat nito. Mula sa akin ay nalipat ang tingin niya kay Leigh. Ang mga mata ni Leigh ay punong-puno ng simpatya. "We'll help you. We're going to bring back Ms. Boa together."

Salitan kaming tinignan ni Heloise, she sighed in defeat. Nagkatinginan kami ni Leigh, we've nodded at each other.

"Good evening passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 372A to Kyoto, Japan. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you."

Napatingin kami sa speaker ng airport nang tawagin ang flight naming tatlo.

Walang imik na nagsimulang maglakad si Heloise papuntang boarding gate. Mabilis kaming sumunod sa kaniya.

Wala kaming dalang anumang bagahe dahil biglaan ang nangyari kaya hindi kami nakapaghanda ng anuman. Iniwan ko si Noah sa pangangalaga ni mama, samantalang ang baby ni Leigh ay si Zeus ang nagbabantay ngayon sa hospital.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya sa anumang nangyayari, ngunit base sa nakikita kong reaksyon nina Heloise at Leigh, masasabi kong kailangan naming maiuwi si Ate Eva. Kung nasaan man siya ngayon, anumang mangyari.

****

Nagkakagatan na ang liwanag at dilim nang makarating kami dito sa Japan. Nanatili kaming nakatayo sa gitna ng airport pagkababa namin ng eroplano. Mabibilis ang galaw ng mga tao sa paligid namin, lahat ay waring may hinahabol na oras. Iba't-ibang lahi ang nasa paligid namin, halo-halo na ang mga lenggwahe na gamit.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon