Matapos magkainan ng tanghalian ay agad na nagsipuntahan ang lahat sa dagat. Kanya-kanyang swimming ang lahat habang ako ay piniling dito sa tabing-dagat mag-unwind.
Kakatawag ko lang kay Noah kanina gamit ang phone ni Lyle. Ito kasi ang parang unang beses na nagkahiwalay kami kaya nga iyak siya ng iyak nung gabi bago ako umalis ng bahay.
Sina Marj at Bree ay hinigit ako para sa sumali sa selfie nila. Kung saan-saan nila ako hinatak dalawa hanggang sa nakarating na nga kami sa kabilang resort.
Pagkarating namin sa kabilang resort ay sobrang daming tao. Ibang-iba sa pinanggalingan namin na tahimik. Mabuti na lang tama ang napili ko na isang private resthouse na lang ang rentahan namin.
"Oh my mga bebs, look at that guy. Sana dito na lang tayo, ang daming papables," kinikilig na turo ni Marj sa isang maskuladong lalaki na nagpapa-hena tattoo sa isang sulok.
"Akala ko ba wala nang gwa-gwapo pa sa mata mo kundi ang Adamson your loves mo lang," natatawang hirit ni Bree kay Marj.
Marj placed her arms on her waist. "Ano ba, ina-appreciate ko lang ang perfect work of God. Don't you see ang hot niya kaya."
"Okay, sabi mo eh," I teasingly murmur.
"Porket kasi si Chino lang ang laging nasa tabi mo kaya wala ka nang napapansing iba," dagdag ng huli.
"Wuy, wala akong sinasabi ahs" depensa ni Bree.
"Eh ikaw, Arkesha.." Sa akin naman sunod na bumaling si Marj. "Anong tingin mo sa kanya? Kukunin ko na ba ang number niya?" Siya pa talaga kukuha ng number?
"Masyadong malaki ang katawan baka saktan ka lang," I flatly said.
Ilang segundo itong napatanga sa akin saka ngumuso. "Grabe siya, forecasted mo na agad? Bigyan mo nga ako ng bar chart at pie graph kung gaano katas ang probability na sasaktan niya ako para ready ako at para may basis 'yang analization mo."
Natawa na lang kami ni Bree sa inasta ng kaibigan namin at hinila na ito upang magpatuloy sa paggagala.
Pumasok rin kami sa isang souveneir shop nang may nadaanan kami. Abala ngayon si Marj sa pagsusukat ng sunglasses habang si Bree ay nagtitingin ng hats na akala mo bibili talaga siya. Ako naman ay nilibot ko lang ang sarili sa buong shop, baka may makita akong pwedeng mabili at maipasalubong pagbalik.
Nang mapunta ako sa isang corner ng shop na puro mga keychains ang tinda. May mga 'I love Batangas' at 'I love Philippines' na keychains meron ding mga iba't-ibang klase pero merong isang keychain na naka-agaw ng pansin ko.
Keychain na panda lang naman siya pero ewan ko ba, parang kakaiba siya sa lahat ng mga nakikita. Siguro dahil nag-iisa na lang siya. Hindi naman ako fan ng mga panda pero ang cute lang kasi.
Kukunin ko na sana yung nag-iisang panda keychain para tignan nang may makita rin akong kamay na kukuha rin nun. Napaangat ang tingin ko sa kanya at halos parang gusto kong kusutin ang mata ko, parang isang dyosa ang nakikita ko ngayon sa harapan ko. Medyo matangkad siya sa akin nang kaunti dahil sa suot nitong heels kaya nakatingala ako sa kaniya ngayon.
"Oppsie, kukunin mo rin pala. Ibibigay ko sana sa girlfriend ko pero sige sayo na lang," aniya. Napatulala ako sa lambing ng boses niya.
Girlfriend? Tsk. Ang ganda nga niya pero maganda rin pala ang hanap.
"Uhm. Hindi, titignan ko lang sana. Sige na, sayo na lang," agad kong tanggi.
"Sure ka? Because I'll take it na," may pagka-conyo nitong tugon.
Hindi ko napigilan ang sarili kong ma-cute-an sa way ng pagsasalita niya kaya ngumiti na lang ako at tumango. Nginitian niya rin ako pabalik pagkatapos ay kinuha na 'yong panda na keychain at dumeretso sa counter. Hindi ko na siya sinundan pa ng tingin at muling nagtitingin nang pwedeng mabili.
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomansaPamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...