Chapter 19

1.2K 48 1
                                    

Lumipas ang buong araw na normal. Medyo nagkagulo lang kanina sa shareholder meeting dahil sa kumalat na fake news na may krisis na pinagdadaanan ngayon ang kumpanya at marami ang gusto mag-pull out ng kanilang mga shares.

Gan'on pa man ay nakakabilib ang pagiging mahinahon ni President Leigh sa kabila nang pinuputakte na siya nang mga tanong mula sa mga shareholders. Ako ang bahagyang na-stress dahil halos kaming dalawa ni Mr.Alastair ang sumasagot sa mga tanong nila.

Biglang tumahimik ang lahat nang tumayo si President Leigh sa kaniyang kinauupuan. Nung siya na ang nagsasalita ay wala siyang pinayagang sumingit sa pagpapaliwanag niya.

Ngayon ay pabalik na ko sa opisina. May inutos kasi sa akin si President Leigh sa Logistics Department sa baba, pinabalik ang mga files na napirmahan na niya.

At hindi ko alam kung matatawag ko bang malas na kasabay ko ngayon si Ms.Boa sa elevator. But she's just staring directly at the elevator door, katulad nang madalas gawin ni President Leigh. I followed her point of gaze at mula sa reflection ay sinalubong ko ang mga mata niya.

Nahuli ko siyang pinagmamasdan ako. Inaasahan kong iirapan niya ako ngunit ngumisi lamang siya na bahagyang ikinabigla ko kaya ako ang napaiwas ng tingin.

Saktong-sakto ay nagbukas na ang pintuan ng elevator pagkalapag nito sa 14th floor. Walang salita-salita ay nauna siya sa aking lumabas.

Pagpasok ko ng office ni President Leigh ay saglit akong natigilan sa aking naabutan. Nandito na ngayon si Lithesia. Nakaupo patagilid sa mga hita ni President Leigh. Ang mukha ngayon ng presidente ay waring nagtitimpi.

"Hello there, Miss Arkesha.." masiglang pagbati sa akin ni Lithesia.

"H-Hi?" alanganin kong bati. I suddenly don't know how to respond.

"Pasensya na, medyo napaaga nang kaunti ang pagdating ko. Excited lang ako para sa date natin." Lithesia playfully giggled.

Tumango na lamang ako dito dahil ang mga mata ko ay abala kay President Leigh na nakatitig din sa akin. It feels like she wanted to converse with me through her eyes.

"Anyways, sasama daw pala sa date natin si Ate Leigh," Lithesia added.

Dahil sa sinabi nito ay nalipat ang tingin ko sa kaniya. Umalis ito sa pagkakakandong kay President Leigh saka lumapit sa akin.

"Holding hands tayo." Hindi pa ako nakaka-react sa sinabi nito but she already entertwined our hands kaya nagtataka akong napatingin dito. "Tara na, Miss Arkesha.." pagyayaya nito.

"H-huh? Pero di pa ako tapos sa trabaho," agad kong apela.

"Okay lang iyan, sasahod ka pa rin naman kahit hindi mo matapos," baluktot na katwiran nito.

I quickly glanced at President Leigh asking for some help, but she just nodded instead. Matapos ay tumayo na ito sa kanyang swivel chair para mag-ayos ng sariling gamit.

Pagkatapos namin maghanda ay pumagitna si Lithesia at hinawakan pareho ang kamay namin ni President Leigh. She happily swayed our hands together until we went to the parking lot.

Dahil nasa talyer daw ang sasakyan ni Lithesia ay kotse na lang ni President Leigh ang napag-usapan na gamitin. Ako ang nag-volunteer na mag-drive habang nasa likod sina Lithesia at President Leigh. Todo naman ang kapit ni Lithesia kay President Leigh, dahil doon hindi ko mapigilan ang panuorin sila mula sa rearview mirror paminsan-minsan.

Dahil si Lithesia ang may ideya ng 'date' na ito kaya ang kagustuhan niya na sa Enchanted Kingdom pumunta ang nasunod. Inabot nga lang nang ilang oras ang biyahe dahil sa Laguna pa ang nasabing amusement park.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon