Chapter 1

2.3K 64 1
                                    

"Mama anong oras po kayo uli babalik?" tanong ng cute na six years old kong anak, si Noah.

"Pag ang maiksing kamay ng orasan ay nasa six at yung mahaba ay nasa twelve. Promise, nandito na si mama," nakangiti kong tugon sa anak ko.

"Pag ang maiksing kamay ng orasan ay nasa six at yung mahaba naman ay nasa twelve.." pag-ulit nito sa aking sinabi sa mababang tinig, "Hmm, anong oras yun, mama?"

"It's for you to figure it out." I pinch his cute little nose. "Basta ang bilin ni mama ah, gawin muna ang assignments mo mamaya bago ka maglaro."

"Hindi ka pa ba aalis? Ako nang bahala kay Noah." Dating ng asawa kong si Lyle pero walang pormalidad sa relasyon naming dahil hindi kami kasal.

"Paalis na rin ako, Lyle. Uhm. Sige at mauna na ako," ani ko na lamang.

Palabas na ako ng pinto nang tawagin ako ni Noah. Tumakbo ito sa akin at hinila ako para bigyan ng matamis na halik sa pisngi.

"Babye po mama, mag-iingat po kayo.." sweet na paalam ni Noah.

Itinaas ko ang kanang kamay ko na parang nanunumpa. "Promise, mag-iingat si mama." Then I gently patted his head. "Basta you will promise too na mag-aaral kang mabuti sa school at wag malikot sa teacher, okay?" nakangiti kong bilin sa anak ko.

"Baka ma-late pa ang bata sa school," Lyle interrupted.

Mabilis na lang akong nagpaalam kay Noah at hinalikan siya sa mataba at cute nitong pisngi.

"Mama, why don't you give papa a goodbye kiss too?" bigla ay tanong ni Noah bago ako tuluyang makaalis.

"Where did you get that idea?" gulat kong tanong dito.

"Sa tv po atsaka kahapon po nung nagpunta ako kina Ishin. Binigyan po ng kiss ni Tito Levi si Tita Sashi bago po ito umalis. Sabi po ni Ishin ay goodbye kiss daw po ang tawag dun. Napansin ko lang po, bakit po kayo ni papa hindi ginagawa iyon?" inosenteng tanong nito na puno ng kuryusidad.

Bigla akong namawis nang walang makapa ang dila ko na sagot. Lumalaki na nga ang anak ko at ang dami na niyang napapansin. Nakatingin lamang ako ngayon nang deretso kay Lyle nang subukan kong lumapit at ibigay na lang ang hinihingi ng anak namin upang wala na itong masabi pa.

Ngunit mabilis na iniwas ni Lyle ang mukha. "Tara na, Noah. Papaliguan na kita para maihatid na kita nang maaga."

Naiwan akong tulala pagkaalis nila, napabuntong-hininga na lamang ako nang malalim. Mahigit anim na taon na kami nagsasama pero gan'on pa rin ang set-up namin.

I shrugged my head to let those thoughts away. Wala nang oras para isipin pa ang mga gan'ong bagay, baka nga ma-late pa ako.

Nag-resign na naman kasi si Lyle sa trabaho niya n'ong nakaraang linggo. Ang totoo, maswerte na kung makatagal siya sa trabaho nang tatlong buwan dahil sa pagiging mainitin ng kanyang ulo ngayon, kaya either i-fire siya o siya mismo ang mag-resign. At dahil wala pa siyang nahahanap ulit kaya siya ngayon ang nag-aasikaso kay Noah.

Dahil sa gan'on ang nangyayari palagi kaya nag-decide na akong tulungan na lang siya dahil sa lumalaki ang gastusin namin sa bahay. Nagsimula akong maghanap ng trabaho nung nakaraan at maswerteng magta-tatlong buwan na ako sa Faulkerson Cars Corporation - isang kumpanyang gumagawa ng mga de-kaledad na mga sasakyan - kung saan natanggap ako bilang taga-linis.

Iyon ang napili kong trabaho dahil iyon lang sa tingin ko ang trabaho para sa mga hindi naman nakapagtapos ng pag-aaral, wala din naman kasi akong ibang working experience. Graduating na ako noon nang maaga akong mabuntis at di ko na iyon muling naipagpatuloy pa, pero hindi ko iyon pinagsisisihan dahil hindi man binigay ng tadhana sa akin ang diploma ko, pero para sa akin matatawag ko nang malaking biyaya ang pagdating ni Noah sa buhay ko.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon