Epilogue

1.4K 53 6
                                    

"Ma, where's my basketball shoes?" sigaw ni Noah.

"At the shoe rack!" balik kong sigaw.

"Not this one, gusto ko po yung bigay ni Papa Lyle," himutok ng anak ko.

"Naputikan iyon n'ong nakaraan nang naglaro kayo ng basketball. Nilabhan ng mommy mo kaninang umaga," tugon ko.

Iniipitan ko ngayon ang buhok nang magta-tatlong taon naming anak ni Leigh na si Lightley. Pinaayos ko siya ng upo sa sofa upang mai-tirintas ko nang maayos ito. "Wag malikot, baby. Parating na si Daddy Zeus mo."

Mas lalo ito naging malikot na may pagkampay pa ng kaniyang paa nang marinig ang pangalan ng daddy niya. "Daddy! Daddy! Daddy!" she excitedly chant.

Imbes na mainis ay mas napangiti pa ako sa sobrang ka-cute-an nito. Para siyang mini-version ni Leigh na mas makulit nga lang.

"Maglalaro po uli kami nina Hugo. Ano pong gagamitin ko?" Mula sa isang pasilyo ay lumabas ang anak ko.

Nang balingan ko siya ay bahagyang natawa ako sa itsura nito, kunot na kunot kasi ang noo nito at para bang napakalaki ng problemang kinakaharap.

Mataas ang itinangkad nito sa loob ng tatlong taon at halos kuhang-kuha na niya ang itsura ni Lyle. Siyam na taong gulang pa lang siya ngunit parang labing-dalawang taon na tignan. Gaya nang ibang kabataang tulad niya ay nahihilig na ito sa paglalaro ng basketball, naimpluwensyahan ng kalaro niyang si Hugo.

"Iyong luma na lang muna, madudumihan din naman. Hindi naman siguro kayo manliligaw ni Hugo para kailangan ay bago lahat nang suot mo. Ang gwapo mo na kaya," nakangiting saad ko.

"Ma!" Namula ang mukha ni Noah dahil sa tinuran ko na mas ikinatawa ko.

"Biro lang." Tumawa ako. "Sige na, iyong luma na lang uli at di mo pa masusuot yung bago. Tama na pag-iinarte para kang babae."

"I'm not gay," mas lalong namula ang mukha ng anak ko dahil sa biro ko.

Hindi ko na nagawang makatugon pa nang bahagya kaming mabulabog ng magkakasunod na doorbell.

"Daddy....!" Nabitawan ko ang hawak-hawak kong buhok ni Lightley nang agad itong bumaba sa sofa at tumakbo upang salubungin ang Daddy Zeus niya sa pinto.

Sumunod naman ako kasama si Noah. Pagdating sa may pintuan ay naabutan ko si Zeus na buhat-buhat na si Lightley.

"Good morning po, Tito Zeus," bati ng anak ko.

"Oh, pormadong-pormado ka ah. Saan ang date?" Zeus joke.

"Maglalaro po kami ng basketball ng mga kaibigan ko po," nakangiting sagot naman ng anak ko.

"Mukhang bagay na bagay pala itong dala ko diyan sa jersey mo ah." Mula sa kabilang kamay ay may inilabas si Zeus na paperbag na may tatak ng branded na sapatos.

Agad na nagningning ang mata ng anak ko nang abutin ang paperbag. Excited nitong nilabas sa paperbag ang kahon at madaling binuksan. "Wow! Salamat po ng marami, Tito Zeus." Ang laki ng pagkakangiti nito.

"You're welcome," magiliw na tugon ni Zeus dito, "Mas lalo kang ga-gwapong tignan diyan."

Nakangiti naming pinanuod lahat ang pagsusuot ng anak ko ng sapatos na regalo sa kaniya ng Tito Zeus niya. Kinakaskas pa nito sa tiles na sahig ang sapatos upang malaman kung original ba. Mas lalong humaba ang ngiti nito nang marinig ang matinis na tunog na nililikha ng bagong sapatos.

"Naku, mukhang hindi ka makakapaglaro niyan nang maayos. Kasing pogi mo ang sapatos mo, mas maraming chix papalibot sayo," ngising saad ni Zeus, "Basta kapag may nagkaka-crush na sayo, sabihin mo sa akin para sabihin ko sayo gagawin," bulong ni Zeus dito ngunit rinig ko naman.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon