Malungkot akong napangiti nang maalala ko ang kinuwento sa akin ni Ms. Boa sa nung nakaraan. We're step-sister pero iginigiit niyang isa lamang akong mission para sa kaniya.
Naalala ko na si Ms.Boa, siya ang gustong-gusto kong kalaro noong bata ako. Dahil nag-iisang anak lang ako nun ay lumaki akong walang gaanong kalaro. Ayaw rin kasi ni papa na lumalabas ako ng bahay.
Sa tuwing nakikita ko nun si Ms.Boa sa bahay ay agad ko siyang niyayayang maglaro. Noon pa man ay sinusungitan na niya talaga ako, ngunit nakikipaglaro rin naman siya sa akin sa huli.
Naging 'ate' talaga ang turing ko sa kaniya. Siya ang naging takbuhan ko nun sa tuwing umiiyak ako. Noon pa man ay pino-protektahan na niya ako kahit sa mga nang-aaway sa akin.
Halos mabitawan ko naman ang baso ng iniinom kong tubig nang magitla ako nang may pumulupot na braso sa aking katawan mula sa aking likuran. Nang lingunin ko naman upang silipin ay sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi nang si Leigh lang pala.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko rito.
Inilapag ko muna sandali ang baso sa counter table at marahan akong pumihit paharap sa kaniya upang tugunin ang yakap niya.
"Hmm. Naalimpungatan ako nang bumangon ka ng kama at ang tagal mong bumalik," nakangusong tugon niya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na nakawan siya ng mabilis na halik dahil sa ka-cute-an pinakita niya.
"Nagising lang ako dahil nauuhaw ako," sagot ko.
Hindi ko alam kung anong meron sa sinabi ko ngunit mas lalong humaba ang nguso nito.
"Why?" natatawa kong tanong. Sarap kurutin ng naka-lobong pisngi.
"Bakit iyon lang?"
My forehead creased. "Ang ano?"
"Kiss," she pouted.
Mahina akong napatawa nang makuha ang ibig niyang sabihin. I peak a kiss again on her lips.
"Hmp. Bitin."
"Gano ba katagal mo gusto?"
"Ganito--"
Hindi pa ako nakaka-react nang maayos nang bigla ako nitong sinunggaban ng kaniyang mapusok na halik. Agad akong nadala sa nakaka-adik na pamamaraan niya nang paghalik.
Buong lugod ko na siya ngayong tinutugon. Nakikipaglaban na ako ngayon sa mainit, madulas at malikot niyang dila. Naramdaman ko na lamang ang mahinang pagtulak niya sa akin hanggang sa bumunggo ako sa may counter ng sink.
Napaka-agresibo ni Leigh ngayon na halos hindi ko siya masabayan. Nakukulong lamang sa kaniyang loob ang ungol ko.
Mabuti na lamang ay saglit na tinigilan nito ang labi ko, ngunit umakyat naman ang kaniyang halik sa aking punong-tenga at marahang kinagat ito. Katulad ng dati ay impit na ungol ang kumawala sa makipot kong labi.
Wala ako masyadong magawa habang nag-iinit at hinihingal. Madiin lamang akong nakakapit sa kaniyang braso at balikat na pakiramdam ko kapag bumitaw ako ay tutumba ako anumang oras. Sobrang nanlalambot ang mga tuhod ko na para bang kahit na anong gawin ni Leigh sa akin ay mapapasunod na lang ako.
Hindi ko alam kung bakit ngunit waring may hinahabol na oras si Leigh. Mabilis na bumaba ang kaniyang halik sa aking leeg at may pinuntirya na isang parte. Bahagyang sinipsip at kinagat niya ang parteng iyon na alam kong mag-iiwan ng marka.
"Shit! Leigh," I moaned.
"Hmm?"
"May makakakita niyan," ani ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/151542164-288-k691293.jpg)
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...