Chapter 60

684 25 0
                                    

May pag-aalangan akong kumatok sa kwarto ni mama. Makalipas ang ilang segundo ay wala akong nakuhang anumang tugon mula sa loob. I don't know if mama is inside. Imbes na umalis na lang ay mas nanaig sa akin ang kuryusidad na pumasok.

Baka ako tuluyang nilamon nang matinding antok kagabi ay hindi ako maaaring magkamali na binanggit ni Ate Eva ang pangalan ng papa ni Leigh. Ang tanong ko ay, anong koneksyon ni mama sa papa ni Leigh? May nakaraan ba silang dalawa? At ano ba talagang nangyayari? Iyon ang gusto kong malaman kay mama.

The door creaked as I opened it slowly, the darkness of the room greets me. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa bandang gilid upang bigyan ng liwanag ang buong silid. Bahagya akong nanibago sa itsura ng kwarto, wala masyadong nagbago rito ngunit hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na nakapasok ako rito sa kwarto nila papa. If my memory serves me right ay bata pa yata ako nun, fifteen years old to be exact. Ayaw talaga kasi ni papa nun na pumapasok ako rito.

Patuloy akong naglakad papasok sa loob. Ginagala ang paningin sa bawat sulok, wari akong may hinahanap pero hindi ko naman alam kung ano. Nagsimula na lang akong magbukas ng mga drawers, nagbabakasakali na baka may makita akong bagay na may kinalaman kay Val Rollsferd.

"Arkesha, anak?" Halos mabitawan ko ang hawak-hawak kong folder na nakuha ko sa drawer nang dumating si mama. "Anong ginagawa mo dito?" usisa nito.

Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil mahinahon ang tono ni mama. Mukhang hindi naman ito galit sa ginagawa kong pangingielam.

I forced a smile. "Wala po, may hinahanap lang." Pasimple kong ibinalik muli ang folder na hawak ko sa drawer na pinagkunan ko nito.

Marahang lumapit sa akin si mama. "Ano 'yon?"

"Uhm. W-wala po pala dito, ma," kakamot-kamot sa ulo na ani ko, "Lalabas na po ako."

Patungo na ako sa pinto nang pigilan ako ni mama. "Sandali, anak. Halika muna dito."

Napalingon ako kay mama dahil doon. May pagkayumi si mama na naglakad papunta sa malaking canopy bed nito at umupo roon, she tap the space beside her encouraging me to sit there. My forehead creased and confusingly followed what she want me to do.

"I'm sorry for entering here without permission," I apologize.

Instead of responding, she just smile and motion me to lay on her lap. Napangiti ako dahil doon, parang tulad lang ng dati n'ong bata pa ako. Humiga nga ako sa kaniyang kandungan at masuyo muli nitong hinaplos ang aking buhok.

Napakasarap nang ginagawa sa akin ni mama, hindi ko napigilan ang mapapikit upang damhin ito. Memories flooded me, parang dati lang. She always do this to me everytime I feel unwell. Hindi ko akalain na sa edad kong ito ay mami-miss ko ang ginagawang ganito sa akin ni mama. Pakiramdam ko ay bata lang ako uli.

"Yung babaeng dumating dito kasama ng kapatid mo n'ong nakaraan, maliban sa pangalan niya at sa siya ang boss niyo sa kompanya na pinagtra-trabahuan niyo, wala na akong ibang alam tungkol sa kaniya." Napadilat ako nang banggitin ni mama ang tungkol kay Leigh. "Could you please tell more to your mother about her?"

Pinakatitigan ko nang maigi si mama. Ilang araw na dito sa Leigh pero ngayon lang siya nang-usisa, naghihintay pala siya ng pagkakataon na personal na tanungin ako.

Muli akong napapikit upang isipin kung paano ko sasagutin si mama. Nagdaan ang mahigit isang minuto yata ngunit nanatili pa rin akong walang imik. Hindi ko alam kung bakit pero nahihirapan ako sagutin. Honestly, nang banggitin ni mama ang tungkol kay Leigh ay may sagot na sa utak ko ngunit pilit ko iyong winawaglit at nag-isip pa ng ibang itutugon.

"Do you love her?"

Bigla akong napadilat dahil sa tinuran ni mama. Nakangiti niya akong sinalubong kaya napa-iwas ako ng tingin.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon