Chapter 9

1.2K 46 2
                                    

"Noah, naglagay ako ng kapote at payong dito sa bag mo.." habilin ko kay Noah, "Ito na rin ang baon mo, ubusin mo 'to, okay?"

"Opo, mama." He sweetly kissed my cheeks and bids a good bye. "I love you, mama. Bye-bye po."

"I love you too.." Hindi ko napigilan ang ma-cute-an sa kanya kaya bahagyang nagulo ko ang buhok niya. "Mag-aral mabuti, ha?"

Nang matapos kay Noah ay lumapit naman ako kay Lyle na abalang nagkakabit ng necktie sa harap ng salamin.

"Binaunan kita ng pagkain para sa lunch mo mamaya. Inayos ko na doon sa bag mo atsaka naglagay na rin ako ng payong. Medyo makulimlim kasi ang langit mukhang uulan ng malakas. Mag-ingat ka na lang," masuyong habilin ko rin dito habang tinulungan na ito sa kaniyang necktie.

Tipid na tumango lamang ito at binigyan ako ng ngiti na hindi man lang umabot sa tenga.

Tulad nang nakagawian pagkaalis nila ay saka naman ako nagmamadaling nag-ayos ng sarili ko. Medyo na-late kasi ako kaninang nagising tapos nagluto pa ako.

Gan'on pa man ay sakto lang sa oras ang pagdating ko sa kompanya. May inabot sa akin si Young na folder pagkadaan ko sa department nila na kung pwedeng ako na lang daw magpapirma kay President Leigh.

Pagpasok ko sa loob ng office ay bahagya akong nasilaw sa liwanag ng araw galing sa labas. Hindi ako sanay na nakabukas ang isa sa mga kurtina nang malaking bintana ng office. Nakatayo roon si President Leigh habang tinatanaw ang mga nagtatayugang gusali sa labas at mahinhing sumisimsim sa hawak nitong tasa ng kape.

"Good morning," magiliw na bati nito pagkaharap sa akin.

"U-uhm good morning rin po, Miss President." I greeted back, "Pasensya na po kung nauna kayo."

"It's fine.." President Leigh smiled at me. "Have some coffee first then contact Manager Yoon for the emergency meeting at the session hall."

"Yes, Miss President" agad kong pagtalima.

Buong umaga nung araw na iyon ay kapansin-pansin ang sobrang ganda ng mood ni President Leigh. Hindi na ako nang-usisa sa kanya dahil baka mabati ko pa at mag-iba.

Gan'on pa man, kahit na sobrang ganda ng atmosphere sa loob ng opisina ay kabaligtaran naman sa labas. Para kasing may bagyo sa lakas ng ulan at bugso ng hangin. Rinig na rinig hanggang dito sa loob ang dagundong ng kulog at kidlat.

Tama nga ako na ang maitim na ulap kanina ay ulan ang dala. Mabuti na lamang ay binaunan ko si Noah ng kapote at payong kaya hindi ako masyadong nag-aalala ngayon.

Lumipas pa ang ilang oras ngunit hindi pa rin tumitigil ang ulan sa labas. Medyo nababahala lang ako dahil may parte ng daan malapit sa amin ang bahain, baka hindi ako makauwi agad mamaya.

Tingin ko ay may low pressure of area or something kasi mula tanghali ay buong maghapon na umulan lang. Habang gumagawa ako ng email ay nakatanggap ako ng text message galing kay Lyle, nagtatanong kung anong oras ako uuwi dahil hinihintay na ako ng anak ko.

Dahil doon ay bigla akong napatingin sa oras. Hindi ko napansin na pasado ala-sais na pala. Kasi naman kanina pa madilim ang kalangitan at sa dami na rin ng ginagawa ko ay nawili ako.

Paano 'to ngayon?

"You seem troubled. Something happened?" Napatingin ako kay President Leigh nang magsalita ito.

"U-uhm ala-sais y media na po pala. Hinihintay na daw po kasi ako ng anak ko sa bahay," ani ko.

"I'm sorry at hindi ko rin napansin ang oras.." tugon ng presidente, "You can go home now Secretary Arkesha."

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon